CHAPTER 38 - 12 DAYS OF CHRISTMAS

16.4K 230 26
                                    

CHAPTER 38 – 12 DAYS OF CHRISTMAS

 

12 na araw na lang pasko na! Yay! Ngayon ang second last day ng pasok namin. Bukas na talaga ang last. Which is the Christmas party.

Andito kami ngayon sa room. Nagkwekwentuhan. Pati mga ibang section nandito din dahil sa wala namang mga teachers. Except na lang si Tita Max na pumasok.

“Now! Guys, ako ang maghahandle sa section niyo. Teka teka. Bat may mga ibang section dito? Alis! Alis!” Sabi niya sa mga estudyanteng nakatambay sa room namin. Lalaban pa sana sila ng napansin nilang nakakatakota ng aura ni Tita Max ngayon.

“So, ako ang maghahandle sa section niyo today and tomorrow. May magaganap na contest bukas. Kung sino ang may pinakamagandang room na nagmumukhang paskong pasko talaga may premyo.” Sabi niya habang ngumingisi.

“Ano yun mam!” Sabi ng kaklase naming isa.

“Hmp! Ano pa ba? Edi ang pinakakaasam ng estudyante! Exempted sa Monthly Exam!” Announced niya. Nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko.

“Pero wag muna kayong magsaya! Dahil wala pa, hindi pa nangyayari. Baka mamaya matalo pa section natin. So ganito. Ang may pinakabongga ang room na magmumukhang paskong pasko ay exempted sa Monthly Finals, and magkakaroon ng 10k na prize ang section natin.” Nagsihiyawan ulit ang mga kaklase ko.

“Kaya kung gusto niyong maexempt at magkaroon ng pera. Pagbutihan niyo. Sino ba president dito?” Tumayo ang isang kaklase namin na nakasalamin at pumunta sa harapan.

“Now! Pagplanuhan natin kung ano ang magiging itsura ng room natin. Umpisahan mo na Mr. President.” Sabi ni Tita Max. Wow! Bagay na bagay sa kanya ang maging teacher.

“Oh! Guys! Any ideas kung ano gusto niyo mangyari sa room natin?” may nagtaas ng kamay. “Oh ikaw.” Turo ng president namin.

“SNOW SYEMPRE! MALAMIG DIN DAPAT ANG BUONG ROOM!” Sigaw niya. Nakaheadset pa kasi. May nagtaas ulit ng kamay.

“How about... Magtayo tayo ng mga snowman. Tapos may mga nahuhulog na kunwari snow mula sa itaas.” Aba matino ang klase ngayon ah. Determinado talaga sila.

Determinado nga sila pero kaya nga ba talaga nila yung mga ideas na yun? Eh bukas na kaya yun! Bat kasi ngayon lang sinabi? -___-

Little Miss Gangster [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon