CHAPTER 19.1 - I'M THE NEXT YAKUZA BOSS

18.3K 251 13
                                    

CHAPTER 19.1 – I’M THE NEXT YAKUZA BOSS

After ng pangyayaring iyon, kinagabihan hindi ako makatulog, Kasi kung matutulog  man ako… mapapanaginipan ko lang.

 

“Anak okay ka lang?” Sabi ni Mommy na may dala dalang kape.

 

“Yes, mudra.” Sagot ko. Nakatingin lang ako sa may labas. Nasa balcony ako ng kwarto ko ngayon.

 

 

“May problema ba?” Tanong niya.

 

 

“Si… si…” I choked. “SI Tito.. Shin po ba iyong nasa picture?” Tanong ko.

 

 

“Anak.. Wag mo ng isipin iyon. Prank lang siguro ni Shin iyon nung nabubuhay pa siya.” Sabi niya and she tapped my shoulder.

 

 

“Ganun ba?”

 

 

“Yes, kaya matulog ka na ha? Good night.” Naggoodnight kiss na din ako sa kanya. Humiga ako sa kama ko at sinubukang matulog.

Monday, pagdating ko sa school pinagtitinginan ako. Ano nanaman ba?

Sumalubong sa akin sila Ace, Calvin at Pure.

 

 

“Problema niyo?”

 

 

“Alam na nila.” Sabi ni Calvin.

 

 

“Na alin?”

 

 

“That you’re the next yakuza boss ng Kamenashi Family.” Sabi ni Ace. “Wow ha! Di ko akalain! Hanep ka Kumiko.” Sabi naman ni Ace.

 

“O tapos?” Sabi ko. Medyo di ako kinabahan. Expected ko na din itong malalaman ng buong school. Tutal, alam naman na ng faculty.

 

“Hindi ka shock?” Sabi ni Pure. “Diba sabi wag sabihin dahil baka matakot sila? Eto na. Nangyayari na Kumiko.”

Little Miss Gangster [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon