CHAPTER 4 - SPECIAL VISITOR

26.4K 370 11
                                    

CHAPTER 4 – SPECIAL VISITOR

“Good Morning class!” bati ni mudra. Friday na pala ngayon ibig sabihin last day na niya ngayon. “I have an announcement. Last day ko na ngayon so sana, magenjoy tayong lahat sa last day ko!” Hindi sumasagot ang iba. Malungkot kasi sila.

“Guys don’t worry! Malay niyo next month or so on magtuturo ako ulit dito.” Ngumiti naman si Mudra sa lahat. Medyo okay naman na sa kanila.

“Ma’am bat po di na lang kayo magstay dito?” tanong ni Keith.

“Business. I need to go back to Japan.”

 

 

“Awwww.” Chorus nila.

“So let’s begin! Special products...” nagsulat na si Mudra sa board after.

Bigla naming may nagtext sa akin.

Message: Last day na ni mother mo today right? I have a surprise to you later.

Text ni Jeschan. Ano nanaman kaya gimik nito?

Lagi na lang ganyan yan. Puro sorpresa. Lalo na nung birthday ko? Kung di ko lang siguro bestfriend to, napagkamalan kong may gusto sa sakin ito.

Message: Ano nanaman ba yan Jes? I hate surprises!

Reply ko sa kanya. Oo, ayoko talaga ng sorpresa. Hindi mo kasi alam kung maganda ba yun o masama. Kung para sa iba maganda tapos pagdating sayo masama.

[bzzt... bzzt]

Message: Later Ojou! :)))

AMPP!!! Okay lang na tawagin niya akong kahit ano wag lang ojou! ‘cause ojou means a princess/mistress/lady or somewhat like a daughter of a wealthy family. Dahil future bossing na nga daw ako ng Kamenashi Family, dapat masanay na siyang tinatawag akong OJOU. Ampots!

Ginagalang kasi yang mga yan. Yang mga nagiging boss. Hayyy~ Malamang boss. Amp!

“Ms. Mizushima, no texting inside my class.” Naku po! Huli ka balbon! Binigay ko naman sa kanya ang phone ko. Captured!

Ang boring naman! Algebra. Eh andami dami kinocompute dito ehh. Hay nakoo! Alam niyo ba sabi sa akin nila Mudra, matalino naman daw talaga ako ehh. Tamad lang talagang mag-aral. Ewan ko kung totoo o kinocomfort lang nila ako dahil sinabihan ako ni great lolo ng “Anata wo yakunitatanai.” It means YOU'RE USELESS. Ouch.

Little Miss Gangster [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon