CHAPTER 24 - FIRST RACE

18.2K 267 40
                                    

CHAPTER 24 - FIRST  RACE

"Ang aga aga busangot ka. Problema mo?" Sabi sa akin ni Pure. Si Pure ang kasabay ko ngayon papuntang school dahil nga sa alitan namin ni Jes. Nakakainis lang! Ayoko ng alalahanin iyon.

"Wala! Maglakad ka na lang." Pagtataray ko sa kanya. Badtrip na ako wag na niyang dagdagan.

"GOOD MORNINGGGGGG!!" Bati sa amin ni Ace. Aba! Buhay pa pala ito. Di na nagpapakita halos ehh.

"Bakit?" Sabi ko sa kanya. nakasimangot lang ako sa kanya habang siya naman nakangiti ng todo. Tapos may inilapit siya sa mukha ko.

"ANO TO?!" sabi ko at kinuha ang papel na pinamukha niya sa akin.

"First grand race. Well, medyo illegal na hindi ito KC. Pero, maganda at exciting. Inimbita ako nung kabarkada ko sa ibang school. Sabi sali daw ako. Tutal kailangan ko ng pera, kaso--" Tinignan ko naman siya.

"Wag mo nga akong idamay jan sa kalokohan mo." Sabi ko sa kanya at ibinalik sa kanya yung flyer. Naglakad na lang ako ulit kasabay si Pure.

"KC naman. Please! Kailangan ko rin kasi ng pera--"

"Bat di ikaw ang lumaban?" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako pwede noh." Sabi niya tapos pinakita niya yung paa niya na may bandage.

"Anong nangyari jan?"

"Eh nadisgrasya ehh--"

"Ang sabihin mo, tatanga tanga ka lang." Singit ni Pure.

"Yosi naman -___-" tapos nagpout siya sa amin.

"Oh, ano namang gagawin ko jan sa race na iyan?"

"EDI SUMALI KA!!" Sabi niya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

"Alam mo Kumiko, wag mo na lang pansinin si Uno." Sabi ni Pure sa akin. Nagpout ulit sa akin si Ace.

Little Miss Gangster [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon