Chapter 22

4.8K 112 2
                                    

"Balkita, san ka ba lagi gumagala? Bihira nalang kita makita." Ngayon lang ulit kami nagkasabay na mag almusal nito, kung saan saan kasi nagsususuot. Si Dad naman mukang nasa office na. Si Mom may appointment daw sabi ni Yaya kaya maagang umalis.

"Kung bibigyan ka ba ng magandang mukha, Hindi mo irarampa?" Paismir na sagot sakin ni Tricia.

"Wow huh? Gandang ganda ka naman sa sarili mo."

"Talaga! Love yourself kaya ang motto ko sa buhay."

"Dapat lang, wala na kasing magmamahal pa sayo." Pagbibiro ko.

"Ang hurt much mo naman magsalita teh."

"Joke lang! Ikaw pa? Ang dami kayang magmamahal sayo. Isa na ako dun diba."

"Ang sweet! Basta sisterly love lang ha?"

"Masyado ka namang naging feeling ngayon." Pairap kong sabi sa kanya.

"Biro lang din. Hahahaha. Oo nga pala, kanina ka pa hinihintay ng isang tao dun sa may garden."

"Ha? Sino naman?"

"Edi yung masugid mong manliligaw!" Sabi nya na may pang asar na tingin.

"May nanliligaw sakin?"

"Ay maang maangan again? Ewan ko nalang talaga sa inyo. Basta puntahan mo nalang yun dun. Kawawa naman din." Mabilis kong tinapos ang almusal ko ang tinungo ang garden. Nakita ko ang nakatayong nakatalikod na si Stephen.

"Hoy! Bat nandito ka na naman?!" Humarap sya sakin at ngumiti.

"Good morning too."

"Wala ng good sa morning dahil ang aga mong sinira ang araw ko." Napataas ako ng kilay dahil tinawanan lang ako nito. May nakakatawa sa sinabi ko?

"Gusto sana kita ayaing lumabas."

"May tinanong ba ako kung ano ang gusto mo?"

"Baka lang gusto mo malaman. And now that you know, pwede ba?" Maangas nyang sabi at pinasok sa harap na bulsa nya ang dalawang kamay.

"Hindi! Ang aga aga pa kung makapag aya ka dyn para kang school service sa aga!"

"Anong oras ka ba pwede? I can wait." Wait pala ha? Napatingin ako sa relo ko 7am palang.

"3pm." Maikling sagot ko.

"3pm? Ang tagal naman."

"Ayaw mo? Nagtanong ka diba? At sabi mo you can wait. Yun ang oras na gusto kong lumabas. Kung ayaw mo pwede ka ng umalis."

"No! It's okay. Dito nalang ako sa garden nyo hihintayin kita so you can do whatever you need to do." Maghihintay talaga sya? Tignan natin.

"Sige." Sabi ko at tinalikuran na sya. Bumalik ako sa kwarto at nag browse sa Fb. Naka online si Val kaya chinat ko sya.

Me: Val, where are you?"

Val: Sa school. May tinatapos akong project. Ikaw? Wala kang pasok right?

Me: Yep. Nandito ako sa bahay. Kaso may asungot na naman kaya nakakainit ng ulo.

Val: ang aga naman nya. Hahaha! Infairness pursigido. But if he's there bat kausap mo ako?

Me: inaya nya kasi ako lumabas e sabi ko 3pm ko pa gusto lumabas. Sabi naman sya hihintayin nalang daw nya ako. Kaya ayun! Iniwan ko sa garden.

Val: ang mean mo rin talaga minsan friend. He's nakakaawa naman to what you're doing to him. You'll make him wait talaga?

Me: hayaan mo sya. Di ko naman sya pinilit na gawin yan.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon