Chapter 7

4.7K 134 5
                                    

Ilang araw na ring wala si Tricia. I've been avoiding Stephen like crazy. Kung ano anong palusot na ang sinasabi ko sa kanya. Lahat na nga ata ng pwedeng sumakit sakin nagamit ko ng excuse. Namiss ko tuloy si Tricia dahil wala akong mapaglabasan ng mga kinikimkim ko.

Nasa labas ako ng masyon ng tumunog ang cellphone na pinahiram ni Tricia. Unregistered number ang lumabas.

"Hello?"

"Hi Sav!!!!"

"Tricia ikaw ba yan?"

"Sino pa ba ang may ganito kagandang boses?"

"Buti naman tumawag ka!"

"Namiss lang kita teh!"

"Weh? Mukha mo! Ikaw makakamiss!"

"Nakapanood kasi ako ng mga white lady sa Tv alam mo naman mag uundas."

"Hayop ka! Anong akala mo sakin multo?!Ikaw nga din naalala ko. Madami kasing naglalabasang maligno bakla!"

"Hahahaha bakla same same lang tayo."

"Ikaw lang adik!hahaha. Ikamusta mo ako sa mga tropa mo dyn sa tabi tabi yung mga nasa may puno."

"Ang bully! Sige ka di na ako tatawag."

"Joke lang ito naman si Dyosa."

"Yan ang gusto ko sayo e nagsasabi ka ng totoo."

Kung ano ano ang pinagkwekwento ni Tricia. Ang dami daw gwapo sa manila at parang ayaw na nyang umalis dun. Ang landi talaga ng baklang yun. Nang November 1 tumawag ulit si Tricia na ikinatuwa ko ulit.

"Bakla happy holloween wag ka maglalalabas my gosh hahaha."

"Happy halloween din. Bat naman di ako lalabas?"

"Baka mapagkamalan kang multo. Diba teh? So scary!"

"Ewan ko sayo. Hoy lapit na bday ko gift mo ha." Alam na nyang sa December 1 ang birthday ko. Napagkasunduan naming pumunta ng bayan para mag celebrate kasama si Troy.

"Okay sige mamili ka na lang sm north, Mega mall or Moa, ipapalipat ko sa pangalan mo ang ownership nyang mga mall na yan."

"Ang kapal mo!!! Hahaha feeling mo Sy ka! Ambisyosong bakla to. Hahaha."

"Hahaha paki claim nalang ha?"

"San ko cclaim? Titulo ba yan?"

"Sa cebuana hahaha rights lang muna teh."

"Wala kang kwenta... Totoong regalo nalang. Wag na yang pangarap mo lang."

"Hahaha picture frame day o tasa? hahaha christmas party lang ang peg.

Teka kung maka hingi ka ng regalo manlilibre ka ba?"

"1k lang pera ko."

"Dagdagan ko 200. 1200 na pwede na yan gin lang tayo hahahahaha."

"Hahahaha pakshit ka ang laki naman ng dagdag mo kadiri ka gin talaga! Di ko kaya yun."

"Ganyan kita ka love 200, ang laki nyan. Hahaha empirador lights nalang?"

"Ang baba lang pala ng pagmamahal mo sakin bakla. Im so hurt na.

Frozen margarita lang ako bakla."

"Sosyal! Frozen margarita pa ang gusto. Sige 300 na."

"Hahaha Im so hurt talaga. Itodo mo na!"

"350 todo na yan hahaha"

"500!"

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon