Chapter 11

5.2K 125 0
                                    

Kanina pa ako ilang na ilang sa pinag gagagawa nitong si Stephen. Ang sabi ko ituon nya ang atensyon sa akin. Hindi ko sinabing maging OA. Pambihira simula ng pag gising ko aakalain mong nasapian ng engkanto tong si Stephen. Kanina kung alalayan nya ako sa pag baba ko ng hagdan akala mo ay pilay ako. Tapos ngayon sya na nga ang naglagay ng pagkain ko dahil ayaw nya akong pag abutin gusto pa nyang subuan ako. Kulang nalang pati ang pag nguya ko sya narin ang gumawa. Tuloy ang mga kasabay namin kumain hindi mo masabing natutuwa ba o na weweirduhan.

"Ah Stephen okay na. Kaya ko naman, kumain ka na rin." Mahinang sabi ko.

"Are you sure? Oh! Wait wala ka pang inumin. Anong gusto mo? Juice diba?"

"Oo. Thanks." Nilagyan nito ang baso ko ng juice tapos tumingin sa mga kasama namin sa mesa.

"What? Bat di kayo kumakain?" Tanong nya sa kanila. Nakangiting napapailing si Angel.

"You my Brother is acting weird. Ikaw ba ang new hired yaya ni Sav?kulang nalang lagyan mo sya ng bib." Pang aasar ni Seb sa kanya.

"I'm just taking care of her. But if it's creeping you guys out I'll stop."

"Ano ka ba Stephen! Nang aasar lang tong kapatid mo. Ituloy mo lang yan. Nakakatuwa ka ngang panoorin." Sabat ni Angel at binatukan si Seb.

"Oo nga kuya! Ang sweet nyo." Kinikilig namang sabi ni Tricia.

"Tama sila Iho. Sana'y lagi kang ganyan nakakahawa ang saya mo." Sabi naman ni Nay Rosa, ngumiti rin si Tay Piyo na hudyat ng pag sang ayon.

"See? Nakaka good vibes!" Tuloy paring pag puri ni Angel. Masaya rin naman ako sa pag aasikaso nya kahit nakakailang.

It was nice knowing that Stephen is really trying but, my smile faded instantly when I saw him looking at Angel. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa, kay Angel na ngiting masaya lang dahil sa ginawa ni Stephen. Samantalang ang ngiti naman ni Stephen ay nagsasabing masaya sya dahil sa ngiti ni Angel. Yumuko ako to hide my pained expression.

Masanay ka na Angel, sinabi mong tutulungan mo sya at kasabay nun ang pag tiis ng lahat ng sakit. Simula palang ito.

"Hindi ako nang aasar no! Tignan mo nga si Sav yumuko nalang dahil nahihiya na sa pinag gagagawa nya." Tatawa tawang sabi ni Seb.

"Tumigil ka na nga! Masusuntok na kita pag di ka pa manahimik dyn." Inis na sabi ni Angel.

"Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng ARAY!"

"Sabi ng tama na!" Sumigaw na si Angel.

Pinikit ko ang mata ko at nag bilang... 1,2,3... Hingang malalim Sav. Kumalma ka. Kaya mo to.

---

"Hi."

"Seb, ikaw pala."

"Ngayon lang tayo nakapag usap na tayo lang. Napansin kong madalas kang nandito ha? Is this your fave spot?."

"Ito ang paborito kong puno. Sya lang kasi ang nag iisang manga na malapit dito sa mansyon. Bat nandito ka? Asan si Angel?" Nakatayo lang ako pero nakasandal sa puno.

"Nandun nagbabasa ng libro... Kasama ni Stephen." I didn't answer parang may bumara sa lalamunan ko kaya mas pinili kong itikom ang bibig ko. At isa pa di ko alam kung ano na ang dapat sabihin pagkatapos ng sinabi nya. Di ko naman pwedeng bantayan si Stephen 24/7 para pigilan sya sa paglapit kay Angel.

"Masakit ba?" Tanong nya pagkalipas ng ilang sandali. Imbes na sagutin ang tanong nya naisip kong tanungin rin sya.

"Alam mo rin bang mahal parin nya si Angel?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon