Chapter 10

5.3K 133 3
                                    

"Ikaw na ang may birthday na malungkot. Teka lungkot nga ba yan o takot dahil napilit kitang ayusan ngayon? Wag ka mag alala Sav. Na train na ako ng bestfriend ko sa ganitong bagay. Lalo kitang pagagandahin." Sabi ni Angel na busy sa pag aayos ng buhok ko.

"Hindi naman Angel. Nagpapasalamat nga ako sayo dahil dito kahit di naman kailangan. Isa pa wala naman din akong maayos na maisusuot."

"Anong wala! Meron kaya. Tricia ilabas mo na, ipakita natin sa kanya." Nilabas nya ang isang lavender knee length dress. Pasayaw sayaw pasi Tricia ng iabot ito sakin.

"Ang ganda.. Pero hindi ko matatanggap to." Pinasadahan ko ng kamay ko ang magandang dress. Ilang months narin akong di nakakapag suot ng magandang damit.

"Di pwede! Wala na nga akong gift sayo kasi diko naman alam na may mag bibirthday pala dito. Kaya yang dress ko nalang. Di ko pa yan nagagamit at tsaka medyo lumiit narin sya sakin. My gulay! Kailangan ko na mag diet." Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Napataas ang isang kilay ko. Mag didiet pa sya sa lagay na yan? Binalik ko ang atensyon ko sa damit na hawak ko.

"Eh mukhang mahal.."

"Okay lang yan Sav. Ang totoo bigay yan sakin ni Sebastian. A year ago. Kaya isipin mo nalang gift namin yan sayo."

"Baka magalit si Seb."

"Hindi no. Pinagpaalam ko na sa kanya yan. Payag naman sya sabi pa nga nya babagay daw ito sayo. So game na?" Mukang wala ng atrasan ito kaya ngumiti at tumango nalanh ako.

After 100 years.... Natapos din sila sakin.

"Oh my... Alam ko namang gaganda ka lalo pag inayusan kita pero di ko inexpect na ganito ka kaganda! Tignan ko lang pag nakita ka ni Stephen at di sya matulala sayo." Masayang pagpupuri ni Angel sa ginawa nya. Napapalakpak pa nga sya sa sobrang tuwa.

"Oo nga sisteret! You're super pretty! Dahil birthday mo hahayaan kitang lamangan ako ngayon. Pero bukas ako na ulit ha?" Nagbibirong sabi ni Tricia. Lahat kami nakaharap sa malaking salamin. Wala namang bago, I've seen myself like this before madalas pa nga ganito ang ayos ko dahil narin sa mga fake friends ko. Nagiging totoong ako lang naman ako pag kasama ko ang bestfriend ko. Kung ako ang papipiliin mas gusto ko parin ang simpleng ako lang.

"Sira."

"Alam mo... Ngayon talaga day hindi na maipagkakailang parang anak mayaman ka. Tignan mo naman para kang princess! I'm so inggit." Sinisipat sipat ako nito habang pumapaikot sya sakin.

"Manahimik ka na nga Tricia. Ang daldal mo, moment to ni Sav."

"Okay lang Angel hayaan mo na sya sanay na ako dyn." Walang ganang sabi ko.

"Ano ka ba? Smile naman dyn! Para namang sinakulo ang magaganap sa itsura mong yan. Wag mo na masyado isipin yun si Kuya. Itsura non!" Pagpapagaang loob ni Tricia.

"Oo nga, Im sure naguguluhan rin yun. Maybe he's sorting out his feeling for you." Makahulugang sabi ni Angel. Ewan ko ba, kahit di ko naman nakwento sa kanya ang pag tatapat ko feeling ko alam rin nya yun.

"Kung merong feelings. Baka galit lang at inis ang meron."

---

"Presenting! The birthday girl!" Nahihiya akong bumababa ng hagdan sa sigaw ni Tricia. Gusto ko sana syang sakalin pero iipunin ko nalang muna ang lahat ng ganti ko sa kanya. Mamaya pag mahimbing na syang natutulog tatakpan ko ng unan ang mukha nya para matuluyan na sya.

Lahat ng mata ay sakin nakatingin ng makarating ako sa dulo ng hagdan. Everybody was giving me a warm smile. Si Nay Rosa, Tay Piyo, Troy, Angel,Tricia, Seb. And then my eyes landed on Stephen. He's staring at me like he've seen me for the very first time. Nakanganga pa nga sya at tulala, siniko sya ni Seb kaya para tong natauhan. May ibinulong rin sa kanya si Seb na sinagot nya ng masamang tingin.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon