Chapter 6

5.1K 127 4
                                    

Ang plano ko talaga ay iwasan na sya. Pero pano ko magagawa yun kung nitong nakalipas na 2 months wala syang ginawa kundi ayain ako kung saan saan. Kung dati kailangan ko pa syang pilitin para lumabas. Ngayon sya na ang kusang nag aaya.

Sa araw araw na magkasama kami tuluyan ng nahulog ang puso ko sa kanya.

Mahal ko na sya.

Kahit may mahal parin syang iba.

Kahit di nya napapansin.

Kahit di nya alam.

Kahit nakakaramdam narin ako ng sakit.

Ginalingan ko ang pagtago ng feelings ko para sa kanya. Gustong gusto ko syang tulungang makalimot sa sakit na nararamdaman nya kaya kahit saan o kahit ano pa ang gusto nyang gawin go lang ako ng go.

Tulad ngayon. Nag aya syang mangabayo raw kami.

Ilang oras din ang pangangabayo namin hanggang makarating kami sa toktok ng burol kung saan kita ang malawak na dagat, malakas ang hangin at green na green ang paligid. May mga nagkalat ring bulaklak.

"Woooooohhhh!!!! Ang ganda ganda dito Stephen." Nagsisisigaw ako at patakbong paikot ikot sa malawak na lugar. Kusang tinatangay ang buhok ko ng hangin dahil na rin sa pagtakbo ko.

"Mag ingat ka! Mamaya madapa ka!" Sigaw ni Stephen.

"Opo itay!" Sigaw ko na tuloy parin sa ginagawa ko. Tumigil ako ng nahilo na ako kaya diretso akong nahiga sa damuhan na hinihingal pa.

"Ano? Napagod ka na?" Tanong ni Stephen na naka tayo na pala sa tabi ko. Nakapamewang pa ito na parang balak pa akong pagalitan.

"Hehehe. Chill. Ang kj naman nito. Bat di mo ako gayahin? Ang saya kaya! Tara ulitin natin." Akmang tatayo na ako na pigilan ako nito.

"Please lang tama na. Pinanood nga lang kita nahilo na ako ipapagawa mo pa sakin?" Pa iling iling nyang sabi.

"Para ka namang Lolo."

"Inaasar mo ba ako? Kanina tinawag mo akong itay tapos ngayon Lolo naman?!" Magkasalubong na ang kilay nitong seryosong nakatingin sakin.

"Hehehe. Peace. Ikaw naman di na mabiro. May Lolo bang ganyan ka gwapo. Oh! Tignan mo palubong na ang araw. Dito ka tabi ko Stephen panoorin natin."

Tahimik kaming pinapanood ang pag lubog ng araw. Panaka naka kong tinitignan ang mukha nito. Napansin kong lalong lumungkot ang mata nito habang pinapanood ang araw. May naalala kaya sya? May nakasama na ba sya nanood nito dati? O nagpapalungkot lang talaga sa kanya ang moment na to?siguro tulad ko marami ring tumatakbo sa isip nya.

"Stephen, sa palagay mo maghihilom pa ba ang sugat sa puso mo?" Out of no where kusang lumabas nalang yun sa bibig ko. I didn't expect that he would answer me akala ko nga magagalit pa sya.

"I don't think it will ever heal." Bakas sa boses nito ang sobrang pagkalungkot. Ang puso ko ata naka connect na sa puso nya dahil ramdam ko ang sakit sa sinabi nya.

"Bakit naman? Lahat ng sugat gumagaling diba?"

"Yes, but there will always be a scar." He was just looking at the sun. Hindi nya ako tinapunan ng kahit kaunting tingin.

"Ngayon mo lang yan sinasabi kasi bago pa. Pag tagal pa siguro pagtatawanan mo nalang yan. Pwedeng di mo makakalimutan ang babaeng yun pero ang naramdaman mo para sa kanya dadating ang time na di mo na maaalala. Yung parang wala lang nangyari."

"Bakit ba kung makapag salita ka parang nagmahal ka na at nasaktan?"

"Nagmahal naman ako at hanggang ngayon nasasaktan. Pero hindi nga lang katulad ng klaseng pagmamahal na sinasabi mo."

"Sa pamilya mo ba itong nakagisnan?" Tanong nya sakin.

"Parang ganun." I folded my knees para maipatong ko ang baba ko and hug myself.

"Ayaw mo talaga mag share no?" Tanong nito sakin.

"Let's just say that I waited long enough for them to make me feel loved. They did, but in a different way. The way that I didn't want. It's so frustrating... I did everything that they want me to do but-" natigilan ako dahil grabe kung matitig sakin si Stephen.

"Bakit?"

"I didn't know you could talk like that."

"Ahhhahahahahaha! Ano ka ba hindi ba nabanggit sayo nila ang talent ko? Mahilig kasi ako magbasa at manood ng english movies kaya alams mo na! Nagagaya ko minsan."

"Ang galing mo naman masyado. Para sa nakapag tapos lang ng Elementary. At kung titignan kang mabuti magdamit ka lang na maayos sigurado akong mapagkakamalan ka ng anak mayaman." Puno ng pagdududang sabi nito.

"Para kang si Tricia. Kasalanan ko bang pinanganak akong maputi? Nakachamba lang ako ng kulay."

"Sabi mo e." Ganun ganun lang naputol ang pag uusap namin.

Nag aya narin akong umuwi ng tuluyan ng nawala ang araw. Buti nalang at ang liwanag ng dala naming emergency light at di kami nagkada ligaw ligaw pabalik.

-------

Mag uundas na nabanggit ni Tricia na pupunta sya sa manila para dalawin ang puntod ng parents nya dun. Buong november na sya dun para maka bonding rin daw nya ang mga pinsan nya. Kaya eto ako ngayon naiiyak habang pinapanood syang nag iimpake.

"Omg naman teh kung iyakan mo naman ako para isa ako sa mga patay na dadalawin ko. Wag ka nga mag emote dyn babalik rin naman ako."

"Eh kasi naman... Malulungkot ako mawawala na ang isang mukhang clown dito."

"Ano?!!" Sigaw nito.

"Ibig ko sabihin clown... Yung nagpapatawa sakin. Makasigaw ka dyn." Takip tengang sabi ko.

"Mabuti na ang malinaw."

"Pano tayo magkakausap nyan? Wala akong cellphone."

"Ano ba naman Sav. Ano mo ba aketch? Jowa? Ang clingy mo naman masyado. Ito oh, iiwan ko na ang cellphone ko sayo bibigyan daw kasi ako ng pinsan ko ng bago kaya yan na ang gamitin mo."

"Wow thank you ha! Basta tawagan mo ako."

"Oo na. Buti nalang naimbento ang unli kundi asa ka pang tawagan kita. Buti sana kung boylet ka."

"Grabe ka naman... Di mo ba ako mamimiss?"

"Mamimiss syempre! Wag ka mag alala mabilis lang ang 1 month. Baka di mo nga ako mamiss dahil busy ka kakatitig kay Kuya Stephen."

"Tse! Ayan ka na naman."

"Ano ba kasing update? Ano? Naka move on na ba si kuya kakasama sayo? Hindi na kasi kayo mapag hiwalay. May nabuo na bang." Naeskandalo ako sa huling tanong nya.

"Anong nabuo? Ang bastos mo!"

"Ang oa mo rin no day? Ang ibig kong sabihin may nabuo na bang pagmamahalan?"

"Asa ka pa! Wish ko lang naka move on na sya. Pero hindi e. Kaya pagmamahal pa kaya?"

"Mahal mo na?"

"Ha?"

"Mahal mo na no?" Tumango ako.

"Ang sakit palang mag mahal no? Lalo na pag alam mong malabong magkagusto sya sayo. At sobrang imposibleng mahalin ka rin nya pabalik." Mahina nya akong tinapik sa balikat.

"Di ka kasi nakinig."

"Nakinig ako. Yung puso ko ang hindi."

"Basta Sav wag mo masyadong ibaon ang sarili mo. Baka mamaya di ka na makaahon. Buti sana kung may hihila sayo... Pano kung wala? Mag isa kang lulubog." The thing is... What Tricia said is true and scares the hell out of me. Sino ba ang gustong nasaktan diba? Pero may part rin naman saking hoping na darating ang araw na magiging okay si Stephen.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon