Chapter 3

6.8K 157 0
                                    

Isang buwan na akong nakatira sa mansyon. Close ko na si Tricia, nasasabayan ko na ang kakulitan at kalandiaan nito. Napalapit narin ang kalooban ko kyla Tay Piyo at Nay Rosa. Nakakatuwa dahil parang anak ang turing nila sakin. Tumutulong parin ako sa pag sasaka kaso paminsan minsan nalang. Paano kasi madalas akong ma sun burn at sobrang sakit at hapdi ng balat ko. Kaya ayaw akong patulungin nila Tay Piyo sa kanila.

Kahit papano maayos narin ang samahan namin ni Troy. Okay naman pala sya. At least pag kami ang mag kausap di ko kailangang magsinungaling. Sya ang nag iisang nakakaalam ng tunay kong katayuan sa buhay. Di nga lang detailed. Tulad ng kung gano ako kayaman at kung ano ang buong pangalan ko.

Magkasama kami ngayon ni Troy. Nagpasama ako sa bayan. Walang hiya kasi di pala uso ang loading station sa kanila. May cellphone nga si Troy pero walang load. Kailangan kong matawagan si Val dahil baka ano na ang iniisip nyang nangyari sakin. Ganun din si yaya. Gusto ko lang sabihing buhay ako at ligtas.

Nakakairita lang dahil may mga kababaihang tumitili ng mapadaan kami sa isang lugar ni Troy. Feeling heart throb naman ang isang tong ngumingiti at kaway pa.

"Ang hirap talaga pag pogi pinagkakaguluhan." Pag yayabang nya habang tuloy parin kami sa paglakad.

"Ako pwede ba kita habulin?"

"Pwedeng pwede basta ikaw." Sabi nya with matching kindat.

"Pwede kitang habulin ng kotse at sagasaan?" Nakangising tanong ko.

"Bakit ang lakas mo mang gago HAHAHA." Tuwang tuwang sabi nya.

"Baka kasi gago ako?

Pero pwede ka talaga habulin?"

"Plus 1 ka na sa mga humahabol sakin. Okay lang?"

"Okay."

"Okay, fill up-an mo lang form

tapos submit mo."

"Gusto ko pala only one lang ako!" Pagbibiro ko.

"Ay takte hahaha nakainom ka ba?!

di ka nag iimbita hoy!" Sabi nya na wagas makatawa at siniko ako.

"Sige invite kita."

"Oh go invite mo na ko."

"Pag ininvite kita ma rarape ka."

"Ayos lang basta babae hahaha." Inunahan na ako sasabihin ko sana na si Tricia haha.

"Ehhh ako ang mang rarape sayo. Pano yan lalake ako." Tinignan naman nya ako from head to toe.

"Hmmmm basta wag ka nalang maghubad."

"Pwede ba yun! Haha alam mo gusto ko na talaga ang maging magsasaka nalang. San pa ba maganda magtanim ng palay?" Pag iiba ko ng usapan.

"Sa lupa! San pa ba. Hahaha." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Nakakabobo ka kausap. Lugar ang tanong ko."

"Sa pilipinas."

"Nagbago na isip ko. Gusto ko nalang pala maging bumbero."

"Ano naman ang bubugahan mo?"

"Ang mukha mo!"

"Ang hard mo naman Sav." Nagawa pang mag pout at magpacute. Kadiri.

Nakarating kami ng bayan at agad na nagpaload. Una kong tinawagan si Yaya Sachi.

"Hello good afternoon Santillan Residence."

"Hello Yaya Sachi. Ako to si Sav."

"Savannah! Nako ikaw na bata ka! Alam mo bang muntik na akong atakihin sa puso ng makita ko ang sulat mo! Bakit ngayon ka lang tumawag? Di mo manlang ba naisip na nag aalala ako sayo. Konti nalang at ipapaalam ko na sa parents mo na nawawala ka! Nasan ka ba?" Panenermon nya. Ang sakit sa tenga ng boses ni Yaya sa phone.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon