Despite Hesitations (Edited)

513 25 16
                                    

Unang araw ngayon ng klase at sobrang nae-excite na ako dahil marami na naman akong makikilala na maari kong maging kaibigan, kaaway, kaasaran, at kung ano-ano pa.

“Hoy, Tabs!!! Ano ba? Papasok ka ba o papasok?”

Ayan na naman po ang mala-armalite na bibig niya. Ang yabang talaga nitong lalaking 'to, bwisit! Walang siyang ibang magawa kung hindi bwisitin ang araw ko. Ugh!

 “Oo na! Ang yabang mo maka-TABS ka akala mo ang payat mo, no?  Bwisit ka! Wala ka ng ibang ginawa kung hindi sirain ang araw ko, leche!” sigaw ko sa kanya mula sa kwarto. Akala mo naman napakatagal na niyang naghihintay sa akin, e halos kararating lang din naman niya! Napaka-iksi ng pasensya.

“Bilisan mo! Nagpapakatagal ka pa diyan sa kwarto. Kahit naman ano ang gawin mo, baboy ka pa rin naman…pangit ka pa rin naman, haha!” mapang-asar na sabi nito. Hindi na ako nakatiis, nanggigil akong lumabas ng pinto at doon ko nakitang tatawa-tawa siya habang umiiling-iling pa ito. Lalong nag-init ang ulo ko. Pumasok akong muli sa kwarto para kumuha ng mga magazine para lang ibato sa pagmumukha niya. Pasalamat siya magazine lang ang naisip kong damputin at hindi 'yung flower vase.

“Ang sakit, ha! Pasalamat ka talaga hindi ako pisikal gumanti. Halikan kita diyan, e…” pabulong na sabi nito. Hindi ko masyadong narinig ang pahuli nitong sinabi pero sigurado naman akong pambubwisit na naman iyon.

“Ano’ng sinabi mo? Pakiulit nga!”

“Wala! Sabi ko, bilisan mo at mala-late na tayo.” Iyon na lamang ang i-sinagot niya sa akin bago niya ako talikuran para kunin ang mga gamit niya sa sala.

“Weird!” pairap na lamang na sagot ko bago ko kuhanin ang aking bag na nakapatong sa aking kama.

*** 

Dahil unang araw pa lang ng klase, ang walang kamatayang “tell me something about yourself” lang ginawa tapos wala na, dismissal na agad.

“Kain tayo, tabs, libre ko!” Huh? Ano naman kaya ang nakain ng isang ito at manlilibre siya? Every February 29 lang ito nangyayari, OMG!

“Bakit? Ano’ng meron? Hindi naman leap year ngayon, a?” nagtatawang sabi ko sa kanya habang tinatapik ko ang kanyang balikat. Unti-unting naging seryoso ang mukha nito. Hinuli niya ang kamay kong nasa kanyang balikat at pinagsalikop iyon. Para akong hinahabol ng isang daang libong kabayo dahil sa bilis ng tibok ng aking puso. Ito na naman ang pakiramdam…ito na naman 'yung isa sa ilang libong pagkakataong nararamdaman ko ito sa kanya. Hindi ko naman itinatangging wala akong nararamdamang espesyal sa mokong na 'to. Kahit naman nakakabwisit ang mga hirit niya, natutuwa pa rin akong lumalapit siya sa akin.  Sa ilang taon kong nakasama itong taong ito, mas lumalim ang pagtingin ko sa kanya…at wala akong magawa kung hindi pigilan iyon para hindi masira ang kung anumang meron kami ngayon.

Agad ko rin namang binawi ang aking kamay. “T-Tara na nga. Sa McDonald’s tayo, a? At…libre mo! Hahaha.”

Hay! Ano na ang gagawin ko? 'Di ko na yata kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Simpleng galaw lang, nadidistract na ako. Hindi ito pwede!

Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon