Love Spell ♥

357 12 4
                                    

This story is for my baby Kaye. Pagpasensyahan mo na ito lang nakayanan ni ate pagtyagaan mo na lang. Sorry medyo cliche. Labyu! :*

x0x0x0x0x0x0x0x0x0x0x0x0x00x0x0x0x0x0x0x0x0x0x0x0x0x

“Spells to promote love are effective and do have a proper place in the magical community. Love spells, if casted correctly, are not harmful for the caster, or the client. They can repair broken relationships, steer a friendship into a more romantic direction, and attract true love.

Countless people have been helped by spells that attract love, but—”

Ano ‘yan?” tanong sa akin ng isang lalaki. Hindi ko na siya nilingon; boses pa lang, hindi na kaaya-aya pakinggan. “Uy, ano ba iyan?”

Istorbo naman 'to!

“Hindi mo ba nakikita? Nagbabasa ako ng article tungkol sa love spells,” walang lingon-lingon na pagtataray ko sa kanya. Nagpatuloy pa ako sa pagbabasa at hindi na lang siya inintindi. Inilapit naman niya ang mukha niya sa laptop ko at nakakunot-noo na nakibasa sa article na tinutukoy ko. Napatingin ako sa kanya at balak ko na siyang sapukin. Wala na naman sigurong magawa ang mga kaklase ko kaya pinagti-tripan na naman nila ako. Magsasalita na sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nung marealize ko kung sino ang walang magawa sa buhay na umistorbo sa pagbabasa ko. Of all people na lalapit, bakit siya pa?

“J-Jonas?” agad kong isinara ang laptop at inilayo ito sa kanya.  O-M-G as in Oh. My. God talaga! Nakita niyang nagbabasa ako ng mga tungkol sa love spells. Baka isipin niya na mangkukulam ako kaya ko ‘yun binabasa. O, hindi!

“Pffft—Hahahaha!” E, ano daw iyon? Bakit naman kaya ako tinatawanan ng isang 'to? Hindi naman ako nagjojoke a. Nababaliw na yata ‘to e.

“Problema mo? Baliw ka?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa kaya naman binato ko siya ng notebook para manahimik na siya.

“S-sorry, Kaye. Hahaha,” sabi niya habang nagpupunas pa ng luha dahil sa katatawa. Mamatay ka nang masaya. Grrr!

Ano ba kasi ang nakakatawa? Nakakainis naman ‘to! Wala namang nakakatawa kung nagbabasa ak—

“Bakit ka nagbabasa n’yan? Gusto mo bang subukan kung tatalab sa akin ang gayuma? Hahahaha,” mapang–asar na sabi niya. Pfft! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Akala naman niya masasama ako sa koleksyon ng mga babae niya. No freakin’ way!

“Wow ha! Hindi naman masyadong makapal ang mukha mo Jonas, no? Kuha ka nga ng liha sa bahay niyo tapos ikiskis mo sa mukha mo, baka sakaling numipis,” singhal ko sa kanya. Bakit ba nandito ‘tong lalaking ‘to? Wala na siyang ibang ginawa kundi bwisitin ako. Nakakainis! Grrrr. Gustong gusto ko talagang lamutakin ang mukha niya hanggang sa hindi na niya gustong manalamin pa.

“Itong mukhang ito? Hah! If I know...” lumapit siya at bumulong sa tainga ko. “In love ka na sa akin,” mapang–akit pa niyang sabi. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko noong ginawa niya iyon. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong naramdaman ko pero parang may milyun-milyong boltaheng dumaloy sa katawan ko. What the hell is happening to me?

Compilation of Short StoriesWhere stories live. Discover now