Back to December

137 3 0
                                    

"Go back... There's no harm in trying."

- Authorrifico07

Ƹ̴Ӂ̴Ʒ.Ƹ̴Ӂ̴Ʒ.Ƹ̴Ӂ̴Ʒ.

Malamig na hangin, huni ng mga ibon, at ang dahan-dahang paglubog ng araw ang tumambad sa akin nang dumungaw sa bintana ng aking tinutuluyang hotel. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang kagandahanng mga bagay sa iyong paligid; lalo na’t binibigyan ka ng pagkakataon upang magawa ito.

Hindi ko inaakalang babalik ako sa lugar na ito—ang lugar kung saan nabuo ang lahat ng mga alaala. Sa paglibot ng aking mga mata sa buong kapiligiran, isa isang bumabalik ang nakaraan. Ramdam ko pa rin ang lungkot, pagkatuwa, pag-asa, takot, panghihinyang, at pagmamahal. Hay! Ako na lang ba ang tanging taong naiiwan sa nakaraan?

“Magbihis ka na, Arriane. Oras na ng shooting mo in 45 minutes,” sabi ng handler ko na si Joy na noo’y tinatakpan ang kanyang mga kamay ang hawak niyang cellphone. Marahil ay abala na naman ito sa pagkuha ng mga schedule ko.

“Okay! Sandali lang,” sigaw ko mula sa kwarto. Habang inaayos ko ang aking sarili, napangiti na lamang ako ng mapait. Hay! Ito na lang naman ang buhay ko—ang ngumiti, magpakita ng katawan sa harap ng mga naglalakihang lente, at magpakita ng emosyon na hindi ko naman talaga nararamdaman.

Ilang taon na rin akong gumaganap ng iba’t ibang katauhan—iba’t ibang ugali at mukha. Sa una ay masaya pero 'di rin nagtagal ay napapagod na ako, nagsasawa, nahihirapan. Pero, ito ang pinili kong buhay at kailangan ko itong panindigan. Minsan iniisip ko, paano nga umabot sa ganito? Bakit ba kasi hindi na lang ako nakuntento? Hay! Ito na yata ang kabayaran sa mga bagay na nagawa ko.

Sana maayos ko pa ang lahat.

***

“Okay, cut! Good take. Bukas ulit. Utang na loob, sana maaga kayong dumating, Arianne at Joy,” sermon sa amin ni direk. Na-late lang naman kami ng limang minute pero kung maka-sermon ay akala mo ilang oras ang i-tinagal namin.

“Sorry Direk kasi—”

“Ah! Walang pero-pero, basta bukas agahan niyo! Oh siya magsi-uwi na kayo,” pagputol nito sa sasabihin ko. Pft! Kahit kailan talaga 'tong director na 'to akala mo kung sino kung makapagsalita. Hindi bale na nga, at least tapos na ang eksena para sa araw na ito. Maraming salamat naman.

Matapos no’n, dumiretso na ako sa tabing-dagat. Hindi na ako nagpaalam kay Joy dahil malamang ay hindi na naman ako nito papayagan mamasyal. Delikado raw para sa isang katulad ko ang magpunta sa kung saan-saan ng walang kasama. Ayoko ng gano’n. Gusto kong mabuhay nang normal kagaya noon.

Gusto kong sulitin ang pagkakataon na nandito akong muli sa lugar na ito—kung saan nag-umpisa at nagtapos ang lahat. Isang linggo na lang at matatapos na ang shooting, kailangan ko nang magawa ang kailangan kong gawin bago pa mahuli ang lahat.

“Sana mabigyan pa ako ng pagkakataon para maitama ang lahat. Gusto kong ibalik ang lahat sa dati—kahit imposible. Umaasa pa rin ako.” Unti-unting pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Ganito na lang ba ako palagi? Hay!

Compilation of Short StoriesWhere stories live. Discover now