Christelle

14 0 0
                                    


It's weird to think how different things were a year ago.

Tinignan ko pa ang mga salitang tinipa ko mula sa keyboard ng aking laptop bago pindutin ang "post" button. Nakakatawang isipin na ang mga ganitong quotes na nakikita ko mula sa internet ay dating dinedeadma ko lang pero ngayon, tumatagos ang bawat salita, e.

April 7, 2015, 7 p.m, Wednesday—eksaktong isang taon na pala simula noong huli kaming magkausap... ang huli naming pagkikita. Hindi ko naman itatangging namimiss ko na talaga siya. Mula sa kanyang mga ngiti, jokes na madalas siya rin naman ang unang natatawa, pangungulit, at sa palagiang pagsasabi niya sa aking "mahal kita". Lahat nang iyon miss ko na. Hay! Mahabang panahon na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bedside table. May iilang mensahe roon pero hindi na ako nag-abala pang basahin ang mga iyon. Agad ko na lamang hinanap ang numero ng isang taong gusto kong makausap sa ganitong panahon... at alam kong makakaintindi sa nararamdaman ko.

Wala pang ilang minuto ay sinagot niya naman ang tawag. Mukhang alam na niya kung bakit na naman ako tumatawag.

"Hello..." walang ganang sagot nito. Umaalingawngaw ang hiyawan ng mga tao kasabay sa malakas na music sa likod ng kanyang boses. Mukhang pumunta na naman siya sa lugar na iyon para magpalipas ng oras.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko siya sinagot. Ito na naman po tayo.

"Kirby, nasa'n ka eksakto? I need to fuckin' chill. "

"Wow! What a word!? Haha! May session ba tayo?" mapanuyang tanong nito. Hindi ko man siya nakikita, alam kong nakangisi ito... at alam ko na rin na ito agad ang nasa isip niya. Hindi ko naman iya masisisi dahil ako ang nag-umpisa—dahil ako ang nangangailangan ng oras niya.

"Nasa'n ka ngayon?!" ulit na tanong ko sa kanya.

"Club Z, sa Taguig. 'Yung lugar na...."

"Okay. Stop. Alam ko na. Hintayin mo ako diyan. 'Wag mo akong tatakasan," bilin ko sa kanya bago ko putulin ang tawag.

Ilang minuto ang lumipas, nakarating na rin ako sa lugar na kanyang sinasabi. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng lugar. Mayroon pa akong naabutang nag-aaway sa labas ng club at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kirby na halos duguan na dahil pinagtutulungan ito ng tatlong kalalakihan. Talaga naman! Ano na naman kaya ngayon ang ginawa ng lalaking ito? Ugh! Imbes na mawala ang problema, lalong niyang dinadagdagan, e. Pasaway talaga!

Dali-dali kong iniabot ko na ang bayad sa drayber ng aking sinasakyang taxi. Muntik pa ngang maiwan ang sapatos ko sa loob nun dahil sa kamamadali ko. Magiging si Cinderella pa ako ng wala sa oras. Humahangos na puntahan si Kirby para sana patigilin ang mga pesteng nambubugbog sa kanya pero bago pa man ako makarating sa kinaroroonan ni Kirby.

"Hoy! Mga walang hiya! Mga walang modo! Ang kakapal ng mukha niyo. Pangit niyo, bwiset!" singhal ko sa mga kalalakihang nanakit kay Kirby habang sila ay papalayo. Ugh! Bwisit talaga!

"At ikaw namang leche ka, ano na namang ginawa mo, ha? Namboso ka na naman ba? Sinayawan mo 'yung babaeng may asawa na? O akala mo walang boyfriend 'yung hinalikan mong babae? Kirby naman, kailan mo ba titigilan 'yan? Hindi mo ikakagwapo 'yang ginagawa mo. Utang na loob tumigil ka na!" sermon ko sa kanya. Pero, walang epekto. Sa haba ng litanya ko sa kanya, wala man lang siyang ibang ginawa kundi ang ngumisi o kaya nama'y kumibot sa bawat salitang sasabihin ko! Wala namang nakakatuwa sa sinabi ko, a. Nakakabanas talaga!

"Umuwi ka na!" malumanay na utos nito sa akin bago ito tumayo para pagpagan ang kanyang damit. "Hindi ka dapat nandito. Hindi magandang lugar 'to para sa'yo," pagpapatuloy niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon