CHAPTER 13: Council Room

2.2K 113 3
                                    

LADY ELAFRIS HALE


Council Room

Pumasok kami sa council room. Isang room na exclusive lang para sa mga staff dahil ginagamit lang ito for meeting purposes. Kung tinawag nila kami dito, siguro may importanteng pag-uusapan.

Bumungad sa amin ang apat na mahahapang mesa na parisukat ang porma. Sa gitna ay may espasyo, sa likod naman ay isang malaking puting tela. Nakaupo na ang mga professor, staff at pati na rin ang mga hari at reyna ng Vindea. 

Iginaya kami ni Owen papunta sa mga upuan namin. Isang Ogre na nagtratrabaho bilang Utility dito sa academy, mabait si Owen at minsan cute.

"Dito, upo kayo dito." inu-ulit niya ang mga salitang kakabigkas palang niya.

"Andito na pala kayo, Upo na sige na, upo na" mabilis na salita ni Tita Lean, ang hyper niyang magsalita. "Ayos ka na ba Elafris? may masakit pa ba sayo? ayos ka na? ha?"

Tumango ako "opo, ayos na po ako" tumango tango naman siya at nagpatuloy sa pag inom ng chocolate drink. 

Ang hyper at napakachill ng reyna ng Vindea. Sa tuwing napapatingin ako kay tito Flame napapatango ako, may aura siya ng isang hari at malalaman mo ito kakatingin mo palang. Bumalik ang tingin ko kay Tita Lean at napangiwi.

How did this lady lead a war and kill someone powerful? eh ang cute-cute naman niya.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Tyler nung nagtraining kami. 

"She might appear weak and hyper. Believe me when I tell you destroyed an entire mansion, defeat hundreds of rogues all at one and she has the ability to bend reality."

Woah. Bend Reality, Weaver. To Weave reality to your liking must be the most powerful thing a person can do. I envy her, she seems to have it easy being powerful and all. To be free to love someone and become a queen of her own kingdom.

"Ela, usog ka di na ako magkasya" napalingon ako kay Kaylie, pinipilit niyang pagkasyahing ang pwet niya sa maliit na espasyo sa pinagdikit-dikit na upuan.

"Wala ng space teka, Usog kayo du-" dahan dahan akong tumalikod at lumingon pabalik kay Kaylie at marahas na umiling "Ha? bakit ba? usog ka pa nahuhulog ako"

Ayoko, ayoko, ayoko. iling parin ako ng iling jusko ayokong magsalita, sa lahat ng pwedeng maging katabi ay si Aiden pa talaga. Ayoko talaga, magkamatayan na. Hindi ko siya kakausapin.

"Sige na Ela ano ba yan" nagsimula ng mainis si Kaylie kaya lumingon uli ako kay Aiden

"Aiden umusogkahindimakauposiKayliehindikasyapwetniyasaupuan" hindi niya ako pinansin "Aiden" pagtatawag ko uli, pero mata lang niya ang tumingin ni hindi naman lang ako nilingon.

"Ano daw sabiniKaylieusogkadawwalanasiyamaupuansasakitdawpwetniya"

"What?"

"masakitdawpwetniKayliekayaumusogkadunwalasiyangmaupuan"

"Lakasan mo boses mo jusko naman" inis na sambit ni Kaylie, napakagat labi ako.

"Ano, usog ka daw di na daw siya makaupo" medyo nilakasan ko na boses ko, di siya sumagot pero umusog siya ng biglaan.

"Aray takte!" napatingin kami sa kabila, nahulog si Blake sa inuupuan niya, natatawa yung boys pero halatang pinipigilan. Nasa harap yung parents nila eh.

"Sabi ko usog pero di ko sinabing lumayo ka ng sobra. wala ng mauupuan si Blake kapag ganun" bulong ko uli.

"Ehem" dahil sa pagtikhim ni HM ay napaayos kaming lahat sa pag-upo at handa ng makinig.

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon