CHAPTER 31: Deux's Hideout

1.7K 92 1
                                    

LADY ELAFRIS HALE

Nakarating na kami sa kalagitnaan ng gubat kung saan nakatayo ang maliit na makalumang bahay na gawa sa bato. Natatabunan na ito ng lumot at may basag na mga bintana, sira din ang mga bakod na nakapalibot dito na tinutubuan na ng mga damo. It was a mess.

"Siguraduhin niyong maibabalik ninyo ang Vindea sa dati nitong kalagayan. may mga taong umaasa parin sa inyo kaya wag niyo sana kaming biguin" sabi ng Ogre bago tuluyan na umalis.

Naglakad kami papasok ng dahan dahan dahil masyado nang mahahaba ang mga damo at baka makaapak kami ng basag na salamin mula sa bintana.

"Hold my hand" napansin ni Aiden na nahihirapan ako sa paglakad kaya iniabot niya ang kamay niya saakin. tiningnan ko ito at tiningnan siya, sumikip ang dibdib ko dahil naalala ko ang panaginip ko.

"Guys pakibilisan. We don't have much time" Sigaw ni Logan mula sa likod nagulat naman ako at hinawakan nalang ang kamay ni Aiden. pahiya ako dun ah.

"Ash di rin ako makadaan, help."

"Sige akin na kamay mo"

"Thank you hehe"

"Hoy wag kang lalandi-landi susumbong kita kay papa"

"Ang Kj mo kuya. inggit ka lang."

"Jayden, Help mo rin ako"

"Magsarili ka diyan ogag" Maangas na sagot ni Jayden kay Blake na ngumuso nalang

"Ikaw nalang Tyler, help me"

"Tabi"

bumungad saamin ang isang madilim at maalikabok sa sala. nagkakalat din sa sahig ang mga kagamitan. Naglakad ako at may napansin na isang manipis at kumikinang na sinulid banda sa taas ng kisame, Aabutin ko sana nung hinawakan ni Tyler ang braso ko.

"Wag mong hawakan yan. It's a trap that will bind its prey for I don't know how long. Kahit ano at kahit sino. It's also magic resistant kaya hindi mo magagamit ang ability mo kahit gaano ka pa kalakas kaya mas maganda kung iwasan mo yan."

Bigla akong kinabahan, kung hindi ako pinigilan ni Tyler ay baka kung ano na ang nangyari saakin, baka di naako makabalik sa human realm

"The house is full of traps so be careful." Sabi ni Aiden habang pinagmamasdan ang mesa na puno ng alikabok ang mga papel. " We have 5 hours until dark so better split up and find clues on where he is. watch out for traps"

Lahat kami ay nagkalat sa loob ng bahay, desperately trying to find clues. I was walking down the hallway to see a room. Pumasok ako dito at naglibot-libot, Sa tingin ko ay ito ang master's bedroom dahil sa laki, It was a mixture of white, brown and gold pang medieval yung style pero puno rin ng alikabok.

Nagpatuloy ako sa paghahanap at nakita ang isang salamin, gawa sa kahoy ang frame nito na nakacarve ng iba't-ibang simbolo na ngayon ko lang nakita. Tinanggal ko ang alikabok sa salamin gamit ang kamay ko at tiningnan ko ang sarili ko, makalat ang buhok ko with a few bruises and cuts on my face. My eyes looked tired.

Di ko napansin na napahawak ako sa salamin trying to reach out to my face at napatalon ako nung naramdaman kong nakahawak ako sa parang tubig. I tried to touch the mirror again, nanlaki ang mga mata ko dahil parag pumapasok ang kamay ko sa salamin, it was cold and soft, parang jelly.

"What are you doing here?" Napatalon ako at tinanggal ang kamay ko mula sa salamain, paglingon ko ay nakita ko si Aiden na nakakunot-noo

"Ay Aiden, Ikaw lang pala. akala ko kung sino"

"What are you doing here? I was looking all over for you"

"Ah yon, naghanap ako ng clues at dumating ako dito. tingnan mo oh"

pinakita ko sa kanya ang pagpasok ng kamay ko sa salamin, nanlaki agad ang mga mata niya at tinawag ang iba naming mga kaibigan.

"So parang portal ganon?" tanong ni Logan, tumango naman si Tyler "Eh ano naman yung nasa other side?"

Lahat kami ay nandito sa kwarto na pinasukan ko at nakaharap kaming lahat sa salamin.

"Ewan ko, icheck mo" sagot ni Tyler at tinulak si Logan na mabilis na nakailag sa pagkakapasok sa salamin "Ayoko nga! baka kung ano ang meron doon!"

"Wag nang daming arte, nagsasayang lang tayo ng oras!" inis na sabi ni Ash, tinarayan naman siya ni Logan "Kung ikaw nalang kaya ang pumasok?"

"Ano ba kuya!"

"Ako nalang kaya?" suggest ko sa kanila at naglakad palapit sa salamin, hinila agad ako ni AIden at nilagay sa tabi niya

"Stop. You might get in trouble again. The book is in your hands so you must be protected" malamig na sabi ni Aiden at tiningnan ng masama si Logan, sinenyasan niya ito na pumasok

"Bat ba kasi ako? pano nalang pag mamatay ako?"

"Daming arte, wag kang babakla bakla jusko" walang pasabi ay naglakad si Blake papunta sa salamin ng walang alinlangan, tinitigan namin hanggang sa mawala.

nagkaroon ng katahimikan

"It's just a room! full of clues I think!" sigaw ni Blake mula sa Salamin. nakahinga kami ng maluwag at sumunod sa kanya, pag apak ko ay nanigas ako

nakita ko 'to sa panaginip ko. what the hell is happening.

nilibot ko ang tingin ko, tulad na tulad nung nasa panaginip ko pero mas madumi at maalikabok lang, nagkakalat rin ang mga papel at at potion bottles.

"It looks like his work room" tahimik na saad ni Ash. Napatakbo kaming lahat nung narinig naming sumigaw si Kaylie.

"Guys!" Pagdating ko ay napasinghap ako, isang kalansay ng tao ang nakita naminng nakaupo sat nakasandig ang bungo sa mesa

"Umalis na tayo dito! someone just died! Deux is not here and someone freaking died! There's a skeleton here for pete's sake!" histerikal na sabi ni Kaylie

"tama siya. umalis na tayo dito bago pa may mangyaring masama. Deux is not here, we should find other leads." seryosong sabi ni Jayden, sumangayon naman ang iba.

Dahan dahan kaming umalis pero may naisip ako bigla. tumakbo ako pabalik sa bankay.

"Ela! stop!"

Hindi ko sila pinakinggan. May hinanap ako sa mga papel na nagkakalat just to find out the truth.

"Guys, we're not gonna find Deux anymore." sabi ko habang nakatitig sa isang pirasong papel

"What do you mean?"

"He's dead" sagot ko at tumingin sa kanila at ibinalik ang tingin sa bankay sa may mesa. Agad na lumapit si Aiden at kinuha ang papel mula sakin at binasa ito pagkatapos ay may hinanap. May nakita siyang potion bottle na may maliit na laman ng itim na kumikinang na likido.

"He killed himself, It says he on the paper. Its obvious."

'Everyone's time in this world will soon run out, but mine ran out already. I'm sorry' -Deux.

"He committed suicide." wala sa sariling sabi ni Logan "Why?! Why?"bigla siyang nagwala at hinagis lahat ng mga gamit sa paligid niya

"After all that he's done to our parents, to the kingdom and to us! Why would he Die like that?!"

nagsisigaw siya at pinakalma ng iba. Lumingon ako nung may nahulog na papel.

It was the family picture in my dream

Kung totoo lahat ang nangyayari, what will happen will be true too? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Why did this have to happen? tears started falling down my eyes.

This can't be happening

"I hate to break the self pity and drama but I'm here to retrieve the book. Playtime's over kids"

--

END

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now