Chapter 10: That Weird Feeling

108K 1.4K 129
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 10 – That Weird Feeling

DANIEL'S POV


Nandito na kami sa bahay, at oo, kasama ko si Miss Weirdo, syempre pati si DJ liit. Patago kaming umalis sa academy kasi walang dapat makaalam na kasama ko sa iisang bahay yang si Chandria. Mahirap na, baka kumalat yung balita tapos makarating kina Mom at Dad. Lagot ako kung malaman nila.

Nagskip classes na lang kami, pinilit ko si Miss Weirdo. Ayaw niya sana e, nagpupumilit pumasok. Tch, nerd kasi. Buti na lang napapayag ko na bukas na pumasok. E kasi nga ‘di ba? Inexcuse ko na siya sa lahat ng subjects niya, syempre pati ako. Wala naman siyang magagawa doon.

Nagpaalam na nga pala siya at buti na lang pinayagan. Pinahatid niya na lang dito yung mga gamit niya. Ayaw niya kasing pumunta ako sa bahay nila. Ano kayang meron doon at ayaw niyang makita ko? At ano kaya yung sikreto niya? Hmmm..

Malalaman ko rin yun...

"Mister bipolar saan ako matutulog?" biglang sabi ni Miss Weirdo, bumabawi a. Akala ko tahimik 'to. Bipolar ba ako? Hindi naman ‘di ba? ‘di ba? ‘di ba?  Nandito kami ngayon sa may sala, karga-karga niya si DJ liit. Tulog nanaman. Lagi na lang tulog yung batang yun a. Patay gutom na nga, ang takaw pa sa tulog. Tsk! Nakapagtataka lang at hindi tumataba. Weirdo ding bata. 

"Sa kama malamang," sabi ko.

"Heh! Pilosopong Tasyo! Yung seryoso?"

"Sa kwarto ko. Tabi tayo."

"Ano?!" sigaw niya. Pfft. Haha. Ang sarap niyang pagtripan.

"Shhh... Magising yang bubwit. Baka masipa ka. Galit yan sa mundo pag naisorbo tulog niya," sabi ko.

Napakunot noo siya at tinignan si DJ liit tapos tumingin ulit sakin. "Ehhhhhh. Joke ba yan? Yung totoo? Saan kasi ako matutulog? Dali na, gusto ko nang matulog," medyo pabulong niyang sabi.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon