Daddy?

533K 3.1K 321
                                    

PROLOGUE

*Ding Dong*

*Ding Dong*

Nagising si Daniel sa pagkakaidlip sa may couch. 

 

Ano ba yan istorbo! Kanina ang ingay-ingay ng mga wangwang ng ambulansya at mga pulis na dumadaan, ngayon naman may nagdodoorbell. Kainis!

 

Napakamot siya ng ulo at pupungas-pungas na bumangon at naglakad papalapit sa may pintuan. Kasalukuyan kasi siyang mag-isa sa bahay. Ini-on niya ang digital peephole viewer sa may gilid.

 

Tinignan niya ito, wala namang tao. Akmang tatalikod na sana siya paalis nang..

*Ding Dong*

*Ding Dong*

Tumunog nanaman. Binuksan niya yung pinto. Lumingon siya sa kaliwa, lumingon siya sa kanan. Wala talagang tao, ano yun multo?

"GAGO!" sigaw niya tapos binalibag niyang pasara yung pintuan. May nangtitrip lang siguro isip niya.

Malayo na ang nahakbang niya paalis nang biglang...

*Ding dong*

*Ding dong*

Ay lintik na!

Napasabunot siya sa buhok at padabog na naglakad pabalik sa pintuan. Binuksan niya ang pinto ng may pwersa, saglit siyang sumilip at sumulyap-sulyap sa paligid. Wala talagang tao, lumabas siya sa porch at bigla na lang sumigaw kahit wala naman siyang kausap...

"HOY KUNG SINO KA MANG HINAYUPAK NA WALANG MAGAWA SA BUHAY, 'WAG NA 'WAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN KUNG GUSTO MO PANG MASIKATAN NG ARAW! BWISET!" at padabog siyang naglakad pabalik.

*BLAG!*

 

Binalibag nanaman niyang pasara yung pintuan nang nakapasok na siya sa loob.

Nanlaki ang mata niya.

 

Nagulat siya sa nakita. A little boy, aged maybe three or four, is standing in front of him. Madungis ito na parang gumulong sa maputik na damuhan pero kahit na ganoon, hindi maikakailang gwapo ito. The boy is wearing decent clothes, marumi nga lang, he must be from a well-off family.

Bigla nalang itong tumakbo at yumakap sa kanang paa ni Daniel, his little arms were wrapped around his leg. The boy looked up and Daniel looked down at him, their eyes met. The boy beamed a smile at him, his face filled with innocence.

  

"DADDY!" masaya nitong bati na sadyang ikinabigla ni Daniel.

Napanganga siya.

"HA?" 

 --------------------------------------------------------------------------------

Daddy?

Copyright © stuckindreamworld. 2012. All Rights Reserved.

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

*All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.

---

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow: LIBOfficial on Facebook

https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon