Chapter 38: Everything happens for a reason

64.4K 887 385
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

---------------------

CHAPTER 38 – Everything Happens For A Reason

CHANDRIA'S POV

"Oh my God!"

"J-Julia!"

Julia! Julia! Juls! Wake up!" sigaw ko habang pilit na nagpupumiglas sa kinauupuan ko, siya yung una kong nakita eh. She was on the opposite side at kaharap ko lang. Nakatali siya sa isang poste at halatang walang malay. Hindi siya nakablindfold pero may tape naman yung bibig niya. Madilim dito sa loob, halatang abandonado. Where in the world are we? Dyusko! Sinong demonyo ang may kagagawan nito?

Pilit kong linilingon kung sino yung demonyitang may gawa nito, alam kong nasa likod ko kasi siya eh, pero hindi ko magawa.

"Hoy! Sino ka bang walanghiya ka? Anong kasalanan namin sa’yo?" sigaw ko at--

"A-Aw! Aray!" sinabunutan nanaman niya ako. Leshe! Ang sarap niyang hambalusin. Kung hindi lang ako nakatali dito eh.

"Watch your words freak! Me? Well, I'm someone you know. Kasalanan? Marami kang kasalanan saking babae ka! Yung kaibigan mo naman, WALA! Nadamay lang nang dahil sa'yo! Tsk! How pitiful... Not!" sabi niya habang nakatayo sa likod ko. Leche! Sino ba 'to? Masasapak ko talaga eh. Imbes na kabahan ako, nanggagailiti ako sa galit! Kainis siya! Nandamay pa ng iba!

Narinig kong dahan-dahan siyang naglalakad, naririnig yung heels niya eh. Nag-eecho pa nga. Hayan na siya, nasa gilid ko na. Ayan na. Ayan na! And then bam!

She was already right in front of me. Kaso.. nakasuot ng mask. Alam niyo yun? Yung parang sa masquerade party chuchu. Psh. Hindi ko talaga makilala eh. Her hair is straight, may bangs din. Nakasuot ng black na sleeveless at maong shorts. Ang taas ng heels at.. at.. at..

Meron siyang black rose na tattoo sa may hita. Siya yung babaeng hinayupak na kinawawa ako nung isang araw. Ano bang kailangan niya? Ano bang ginawa ko?

"Ano bang kailangan mong hinayupak ka! Pakawalan mo si Julia! Pwe!" sigaw ko sa pagmumukha niya at alam niyo na...

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon