Chapter 14: Z's Dare

100K 1.2K 338
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 14 – Z’s Dare

DANIEL'S POV


Monday ngayon, nakakatamad kahit umagang-umaga. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa building namin. Nakapiggy-back sa likod ko si DJ liit. Sinasamaan ng tingin yung mga malalanding babaeng tumitingin sakin na nadadaanan namin. Nakapout pa. Ang cute cute niya. Hahaha. Aish, nababading nanaman ako. Tsk.

Si Miss Weirdo? Nauna na. Hindi naman kami nagsasabay e, para safe. Para wala ring umaway sa kanya, lalong-lalo na si Zharm, brutal pa naman nun. Buti na lang hindi pa niya nakikita si Miss Weirdo kun’di lagot. Hay.

"Hi babe!"


Dyusme! Speaking of the devil. Bigla na lang kumapit sa isang braso ko, hinila, walanjo, buti na lang ‘di nahulog si DJ liit, nakakapit sa leeg ko. Ang sama ng tingin ni liit kay Zharm, talagang-talaga.

Pwersado kong tinanggal yung kamay niya sa may braso ko at nagpatuloy sa paglalakad. Siya? NGANGA. Paano, hindi ko kasi pinansin.

"H-hoy babe! Babe! D!" sigaw niya bigla nung matauhan at hinabol ulit ako. Kainis 'tong babaeng ito. Hindi magpaparamdam ng ilang linggo tapos bigla-bigla na lang susulpot na parang walang nangyari. Ano daw yun?

"Ano ba d! Pansinin mo naman ako! Why aren't not you talking to me? Answer me!"


Hay nako, eto nanaman po. Nagwawala nanaman. Napapa-english pa, wrong grammar naman. Hahahaha. Humaygad. Natatawa tuloy ako habang naglalakad pa din at sinusundan niya. Para tuloy siyang tanga na walang kausap.

"Baaaaaaabe! Talk to me! Ano ba!"


Bahala ka sa buhay mo. Babe mo mukha mo. Tch.

"Stay away from my Daddy po! Witch! Bleh! O sabi sa kanya ni DJ liit. Galit ang lolo niyo.

"Shut up little brat! Paki ko sa’yo!"

"Ano ba Zharm! Pati bata pinapatulan mo!" bigla ko tuloy na sabi. Kasi naman.

"Sorry, sorry D..." tignan mo to. Biglang bumait. Tch.

"K," sagot ko at lumakad na ulit. Bakit kasi ang lawak nitong academy? Ang tagal ko tuloy naglalakad. Ang lalayo kasi ng agwat ng mga building. 

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon