Chapter 1: Little DJ

172K 2.2K 185
                                    

=====================================

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

 CHAPTER 1 – Little DJ

Daniel's POV

"Ano kamo?" tanong ko dun sa bata. Baka namali lang ako ng narinig. Daddy daw? Pfft. What a joke! Imposible yun.

"Daddy?" 

Nanlaki bigla yung mata ko. 

Ano daw? Seryoso ba 'tong batang 'to? Ayaw ko nga sa bata eh, magkaanak pa kaya? Dyusme! Sakit sa ulo. 

"Ano ulit?" tanong ko.

"Daddy?" sabi nanaman niya.

Yung totoo? Joke ba ito? Kasi kung oo, hindi 'to magandang biro. Nasa gag show ba ako? May mga hidden cameras ba? At saka bakit ang dungis ng batang 'to, parang nagpagulong-gulong lang sa may putikan. Sayang naman yung suot niya, ang gara pa naman. Rich kid, parang ako lang.

Kumunot yung noo ko.

"Stay there for a while kid," sabi ko at tumango naman ito.

Dali-dali akong lumabas para tignan kung may tao. Suspicious persons, mga camera man, ganun, basta tao. Pero, nganga! Walang katao-tao, gabi na rin naman kasi at magkakalayo yung bahay dito sa subdivision namin. Malalaki kasi yung mga bahay dito, este mga mansyon. Pangmayaman nga kasi kaya nagtataka ako.

Saan galing ang batang iyon?

Napakamot ako ng ulo at bumalik sa loob ng bahay, nakatayo pa rin yung bata sa pwesto niya kanina. Aba, masunurin. Nagpalakad-lakad ako at naghahanap ng mga hidden camera sa bawat sulok ng bahay. Sinusundan naman ako ng tingin nung bata. Nakita ko na lahat ng sulok kaso wala talaga eh.

Napakamot ako ng ulo. Lumapit ako sa bata at lumuhod sa harap niya. Hinawakan ko yung magkabilang balikat niya.

"Look little kid, I am not your daddy. I repeat, I am not your daddy."

Pagkasabi ko nu’n ay bigla na lang...

"Uwaaaaaaahh!

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon