Chapter 4: Ford Scarlet Academy.

120K 1.4K 77
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 4 – Ford Scarlet Academy

Ang Ford Scarlet Academy.

Isa sa pinakasikat na akademya sa buong Pilipinas. Tinatangkilik sa larangan ng sining. Pag-aari ng pamilyang Ford at Buenaventura. Tinaguriang School of the Arts. Kung mahilig kang umarte, sumayaw, at kumanta, pwes, nababagay ka dito. Hindi lang yan, meron ding Fashion Designing, Interior Designing, Architecture, Graphic Designing, Digital Arts, basta tungkol sa arts, meron at meron yan.

Ito ay nahahati sa high school at college. Halos mayayaman at may mga kaya ang mga estudyanteng nag-aaral dito ngunit meron din namang mga scholar.

Ang naiiba lang dito ay ang business course, ang nabubukod tanging kurso na walang namang kinalaman sa 'arts'. At dito, dito nabibilang si Daniel Jimenez, ang nag-iisang tagapagmana ng mga Jimenez. Ang lalaking tinitilian ng mga babae, isama niyo na rin ang mga binabae at ang mga lalaki-kuno na nagpapakalalaki. Ano daw? 

DANIEL'S POV

"Boy, hindi talaga pwede. Bakit ba ang kulit mo?" sabi ng lintik na guard. Bago yata dahil hindi niya ako kilala at tinatamad rin naman akong magpakilala. Hindi ko kasi dala yung kotse ko, tinatamad akong mag-drive. Ang tamad ko ‘no?

Kanina pa ako nakatayo dito sa may gate dahil ayaw niya akong papasukin. 

Umiinit na ulo ko. Nakakairita na. 

"Nyemas! Papapasukin mo ako o sisante ka na?!"

Nanlaki ang mata niya, pero unti-unti rin siyang kumalma.

  

Bigla na lang ngumisi sabay sabing, "Sinong tinakot mo boy? Sino ka ba para sisantihin ako?"

Aba't! Sumagot pa.  Definitely a wrong move. Napakalaking pagkakamali. Tsk, tsk. Poor guy. I smirked. I immediately dialled someone's number on my cellphone at tinawagan ito. Lumayo muna ako sa guard para hindi niya marinig yung sasabihin ko, pagkatapos ay bumalik na ako.

  

Tumunog yung telepono sa may guard house. Sinagot naman ito ng bwisit na guard. Humanda siya, kakainin niya lahat ng sinabi niya. 

  

Nakatingin lang ako sa kanya at nakangiting nakakaloko. Nanlaki bigla ang mata niya at napatingin sa akin. Nanginginig ang kanyang kamay na naibagsak ang telepono at pinagpapawisan na nakatingin lang ng diretso sa akin.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon