Chapter 35: Day 1

103 5 0
                                    

↬ N E O T R I E U

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

↬ N E O T R I E U

When the alarm rang, the livestream glitched a bit and it went back with another countdown.

06:23:59:59

"Everything is just so weird right now. The unaired crimes. The root of the bomb threat, unfortunately hindi pa rin nagsasalita ang suspect na nahuli mo noon 'di ba?" Bumaling si Jahiem kay Callais na agad nitong tinanguan. "And now this seven days freedom shit." His face scrunched.

Natahimik sila, nag-iisip.

Napatingin ako sa kanilang lahat. Kumpleto kami at bihira lang 'to mangyari.

Sabihin ko na kaya sa kanila ang totoo? 

I'm afraid. What if they'll get mad kasi kumilos ako mag-isa noon? Nagdesisyon ako mag-isa at pati sila nadamay? Paano kung hindi nila tanggapin ang rason ko?

Pero hindi ko malalaman lahat ng sagot sa tanong ko kung hindi ko sasabihin sa kanila ang totoo. And they deserve to know the truth, they deserve to know the actual reason why our club got dissolved. 

"I'm sorry."

Napatingin silang lahat sa akin.

"Kasalanan ko kung bakit tayo nawala."

"Anong ibig mong sabihin?" Si Jahiem ang nagtanong. Sa kanilang lahat, sa kaniya ako pinakaguilty. Jahiem ripped our manifesto before and it's because he thought it's the end. Nang binigyan ni papa ng huling warning ang club namin, doon na niya gustong isuko lahat. Kami lang ang meron si Jahiem, kami at ang club na 'to. Tapos inalis ko pa 'yon sa kaniya. 

"I voted for Callais' mother as the mayor of Elysian City last election."

"What?" Nagseryoso ang mukha ni Callais sa narinig. "You mean you broke the Section VII of the school rules? The Electoral Voting?"

"Yes..." And I don't know if I should feel proud of it or regret it.

"Bakit mo ginawa 'yon? Neo, I can't even vote for my mom kasi takot ako inaamin ko naging duwag ako, takot ako maparusahan dahil baka idamay din ang club natin!" Hindi siya makapaniwala. "You were the leader, Neo. Dapat alam mo ang consequences."

"I got tired. Sa unang term ni Mayor Racelis, sa unang apat na taon niya na pag-upo wala siyang nagawa. Bumagsak ang Elysian City, tumaas ang crime at death rates. Hindi pa ba sapat ba dahilan 'yon para umaklas?" I asked the, loong at their eyes one by one. "Ang principal, si papa... siya ang nag-implement ng rule na 'yon. Naisip ko, hindi ako kayang saktan ni papa kaya sa ating lahat ako ang may may kakayahang bumaliktad. But I'm sorry, hindi ko inasahan na sa ganitong paraan niya ako parurusahan. I'm sorry kung damay kayo."

"It's just one vote, anong laban mo sa karamihan?!"

"It's still a vote. One vote is still a vote and it matters! One vote matters!"

The Art of RebellionWhere stories live. Discover now