Chapter 27: Over the same thing

97 5 5
                                    

↬ R I L E Y

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

↬ R I L E Y

"Ma'am, kaka-suspend lang po ng klase!" Napatigil ako sa pag-ayos ng basang-basa kong payong nang pahintuin ako ng guard. Ang lakas ng boses niya dahil ang lakas ng ulan, iniisip niya sigurong hindi ko siya maririnig.

"Po?!"

"Signal no.3 na ho!" 

Bumagsak ang panga ko nang makitang naglalabasan na ang ibang students. Karamihan sa kanila tuwang-tuwa pa.

So I woke up with the worst hangover ever, crammed my reviewers only for the classes to get suspended?

Yung effort ko, leche.

"Hearty!" I flinched when I heard Callais and the honk of his car. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa unang tingin ko ay akala ko siya ang nagmamaneho. Buti na lang hindi. May kasama pala siyang driver.

"Pasabay, Cal!" Binuksan ko ulit ang payong ko saka tinakbo ang distansya namin.

"Mismo." Tinuro niya ang backseat. Nang buksan ko iyon, nandoon pala si Lemont na dali-daling umuusad para makaupo na ako. I greeted him, even Callais' driver. After ko magsettle sa seat, sinara ko na ang pinto para makaandar na ang sasakyan.

"Gusto mong sumama sa bahay? Pupunta sila doon mamaya."

Wait, sinong "sila"?

"Ah pati ba sila Jahiem?" Tanong ni Lemont at bahagya pang sinilip si Callais.

"Bakit? Akala mo ba ikaw lang?" Tumawa ito na sinimangutan lang nitong katabi ko.

Jahiem...

What the fuck?!

"Bababa na ako!" Biglang sigaw ko kaya napapreno ang driver.

Halos kaladkarin pa ako ng dalawa papasok ng bahay nila Callais. In the end, hindi rin nila ako pinababa. I want to go home and do nothing. Mas gusto ko pa 'yon kaysa naman makaharap ko ulit si Jahiem.

Unti-unti kong nang naaalala ang nangyari kagabi. Alcohol really pushes people to do stupid things! Ano na ang mukhang ihaharap ko kay Jahiem ngayon? Sobrang nakakahiya. Hindi naman pwedeng umakto ako na kaswal lang at walang natatandaan. Kasi ang lasing alam pa rin ang ginawa kahit papaano. 

Nakakahiya talaga! Dati nga na kiss lang halos hindi ko na siya matingnan. Ano pa kaya ngayon na muntik na kaming mauwi sa gano'n?

Sana talaga hindi siya tumuloy sumama.

But knowing Jahiem, he never miss a hang out. Sasama at samama 'yan.

"Tuloy kayo." Nandito na rin pala si Neo na ngayon ay umaaktong parang may-ari ng bahay. "Si Ryusaki hindi pa nagrereply. Si Halvint hindi makakapunta kasi sasamahan niya raw mama niya. Si Greno, ewan ko ba baka grounded."

"Si Greno? Grounded?" Lemont suddenly burst out laughing. "Iyon pa ba? Tatakas at tatakas 'yon kung gugustuhin niya."

"Baka nakakalimutan mong hindi siya ikaw." Binatukan tuloy siya ni Callais.

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon