Chapter 29: Atlas

103 5 7
                                    

Chapter theme: keshi - atlas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter theme: keshi - atlas

↬ R I L E Y

It's been a week. Not yet done with my quizzes dahil tatlong araw nawalan ng pasok at posibleng mawalan ulit ng pasok sa susunod na linggo dahil may namumuo raw ulit na low pressure area.

I gathered all my books after tying my hair.  Medyo hassle gumalaw dahil ang laki ng jacket na nakuha ko at hindi pa gaanong nakasuot ng maayos. I'm so ready to leave this library. Kanina pa ako nakatambay rito pero hindi naman ako makapagfocus sa pagrereview.

"Umuwi na ba si Jahiem Defargo? Kailangan sana siya sa meeting mamaya." 

I stopped pushing the door when I heard a few engineering students talking.

It's also been a week without him.

Bumaba ang tingin ko at doon ko narealize na jacket niya pala ang naisuot ko ngayon. Sa sobrang pagmamadali ko kanina, hindi ko na namalayan.

Neo's words kept on replaying in my mind.

If not later, when?

Nang makapag-isip-isip, nagmadali ako sa pagbaba sa lib saka binuksan ang payong ko.

It took me a week...

"Jahiem!" Pinindot ko ang doorbell ng bahay nila at dumistansya roon para silipin ang mga bintana. Hirap na hirap pa ako dahil sa lakas ng ulan. "Jahiem, si Riley 'to!"

Wala pa ring sumasagot. Wala bang tao rito?

But the door is slightly open though?

Hindi ko alam pero bigla akong humakbang papasok. Something's telling me to. My guts.

Then I flinched when I heard a pained scream and glasses being shattered. Galing 'yon sa second floor at kahit malakas ang ulan, malinaw sa akin na si Jahiem 'yon.

Nabagsak ko ang payong at dali-daling pumasok. Kagaya nga ng inaasahan, walang tao rito sa loob. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang narinig ko kanina hanggang sa makarating ako sa dulong kwarto.

"Jahiem?!" I twisted the doorknob to enter the room and all I could do was gasp. Napahinto na lang ako at napatakip sa sariling bibig. My wide eyes roamed around. Messy sheets. Disorganized frames and figurines. Unclosed cabinets. Untied curtains. Dusty surrounding. Broken glasses.

"Jahiem!"

Ngunit laking kaluwagan sa loob ko nang makitang naglilinis lang pala siya ng kwarto at may nasagi siyang vase kaya nabasag. I put my hand down. 

Oh my god. Ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko na napakalakas ng kabog. 

"Hoy, Riley! Hindi kumakatok!" Reklamo niya sa akin. Nasa kalagitnaan siya ng pagpupunas ng vanity.

"I'm sorry, akala ko napano ka." I immediately approached him, almost getting tripped over the broom and dust pan.

"Oh, ikaw baka mapano ka." He laughed when he saw that. 

The Art of RebellionWhere stories live. Discover now