Chapter 38: Day 4

94 4 0
                                    

↬ H A L V I N T

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

↬ H A L V I N T

"Inom na naman?" Nalukot ang mukha ko dahil sa pag-aaya ni Greno. Lakas rin ng isang 'to parang walang hangover. Balak na rin yata magsunog ng atay. Dadamay pa ako.

"Tang ina eh." Pinanood ko lang siyang sapuhin ang sariling mukha.

"Problema mo ba?" Sanay naman ako na nakikita na stress na stress siya sa buhay pero alam mo 'yon? Iba yung ngayon. Parang sobrang lalim talaga ng gumugulo sa kaniya. Could it possibly be his ex? Kung oo, sino doon?

Mali pala. Hindi na pala dapat 'yon tinatanong.

Si Riley lang naman. Si Riley ang pinakamatimbang. Si Riley walang katulad.

"Fuck, ang tanga ko pala." Paulit-ulit niyang pinalo ang palad sa ulo na para bang pilit ginigising ang sarili. 

"Oo, tanga ka talaga. Pero bakit nga? Anong bago ngayon?" Sinamaan niya ako bigla ng tingin. "Ano?"

"Dapat nakinig ako sa kaniya noon. Tama si Jahiem, puro sarili ko lang ang iniisip ko."

I felt the urge to become more serious as the air blew heavier. "Alam mo, nasaktan ka lang. Lahat ng nasasaktan, nabibingi, nabubulag."

"Kahit na. Napakaselfish ng ginawa ko, hindi ko man lang siya pinagbigyan ng closure na deserve niya. Ang alam ko lang ako yung iniwan kaya mas nasaktan ako, naisip ko mas deserve ko ng closure kaysa sa kaniya."

"You can't blame yourself, Gren. Three years siyang nawala sayo."

"Paano nga kung may malalim na dahilan kaya niya 'yon nagawa?"

"She should have told you. Gaano ba kahirap? Ano ba naman yung sandaling panahon sa loob ng tatlong taon?"

"Paano nga kung mabigat na dahilan kaya siya nahirapan? Kaya hindi niya masabi?"

"Alam mo," I immediately cut my own sentence, stared at him, and sighed.

Malala na 'to. Totoo nga ang sabi nila na kapag mahal mo pa rin ang isang tao, hahanap at hahanap ka ng dahilan para ma-justify ang pananakit niya.

"Alam mo may set sila ngayon." Pag-iiba ko na lang ng usapan. I drank my coffee, giving him a side eye to see his reaction.

"Talaga? Saan? Sino-sino?"

"Yes. At Riley's unit. With Riley and friends."

"Who are those friends? Can you be more specific?! Baka mamaya kung sino lang 'yan." Tunog protective si gago. Bakit galit na galit at affected? Tang ina talaga minsan nitong si Greno Nikolai.

I only shrugged kasi hindi ko naman talaga alam. I have no idea besides Jahiem who was already given.

"Can you go with them? And make sure she won't get drunk."

"Hell no, my head is still aching plus I wasn't invited."

"I'll go to the Halloween party tomorrow with you, but please—

The Art of RebellionWhere stories live. Discover now