Chapter 16: Feel free, be happy

131 9 45
                                    

Chapter theme: Katy Perry - Firework

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter theme: Katy Perry - Firework

↬  R I L E Y

Sinara ko ang pinto ng office nila at saktong bumungad sa akin ang madilim na corridor na pinaliliwanag na lang ng mga bumbilya. Gabi na pala, hindi ko napansin. Walang nakapansin kasi puro saya lang kanina. Ang bilis talagang lumipas ng oras kapag masaya ka 'no? It seems like there is never enough time to enjoy what makes you happy.

Yung mga ngiti nila kanina sa loob, iyon ang tipo ng ngiti na gustong-gusto kong makita. Yung totoo lang. Yung masaya lang.

Seeing happy faces makes me happy. I get happy when we I see happy people around me. 

"Uuwi ka na?" Nagulat pa ako nang marinig ang boses ni Jahiem sa aking likuran. Sinara niya ang pinto at binulsa ang magkabilang kamay sa itim na pantalon.

"Hindi pa. Kay Neo sana ako sasabay." Ngumiti ako at pilit munang kinalimutan ang sinabi ni Neo sa akin kanina. 

"May family dinner sila, actually baka umalis na rin 'yon in a few." He checked his phone. "Gusto mo na bang umuwi?" Humawak ulit siya sa doorknob habang hinihintay ang sagot ko.

"Sana. Wala na rin naman kasi akong gagawin."

"Sige, saglit lang." Pumasok siya ulit matapos kong tumango. His voice is unexpectedly calm. Even his eyes feels like chocolate that melts at the slightest bit of the heat. I mean, he's usually laid back pero may iba ngayon.

I heard the door being opened. "Jahiem—" I turned around, expecting to see the person I just mentioned, but I was wrong. Ibang tao ang lumabas. 

"Why are you always expecting to see Jahiem?" Greno asked with a chuckle. Hindi ako nakasagot at napatitig na lang sa kaniya. "Hindi ko inakalang magiging close kayo ah?" Sumandal siya sa pader at pinag-ekis ang magkabilang braso.

"Ako din." Here comes the awkward laugh again. I bet it's clearly visible that I'm not comfortable with him anymore. Habang siya casual lang, natural lang. Parang walang nangyari.

"Hindi ka kasi niya nababanggit sa akin."

"Ahhh..."

I fiddled my fingers when I felt the thick air. Unsettled eyes glancing at the door, hoping it would open again, hoping for Jahiem to save me from this awkward situation. Nasaan na ba kasi siya? Ano pa bang ginagawa niya sa loob?

"Ihahatid ka ba niya?" Biglang tanong niya nang mapansin sumusulyap ako sa pinto. 

"Ah, oo." I just smiled. Tama 'yan, Riley. Idaan mo na lang sa ngiti.

Sakto namang bumukas ang pinto nang tingnan ko iyon ulit. Lumabas si Jahiem na nakasabit sa isang balikat ang itim niyang bag kaya nagulo ang jacket niya. Nakatalikod pa siya sa amin habang may nilalagay sa magkabilang bulsa kaya hindi niya napansin na kanina ko pa siya tinitingnan.

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon