UPDATE D

1.1K 56 6
                                    

UPDATE (D)

"W-What?" Halos pabulong na sabi ko, kahit ako ay hindi ko gaanong narinig ang mahina kong protesta. Dahil alam kong totoo iyong sinabi niya. Hindi ko maipinta ang mukha ko, pakiramdam ko nangungulubot na 'yung mukha ko sa sobrang stress.

Umismid siya at bahagyang umiling, "It's getting dark, you should hurry." Ma-awtoridad nitong sinabi at walang lingon likod na umalis ito sa kwarto ko. Na para bang hindi big deal sa kanya na naalala niya na kung sino ako. Sabagay, may kailangan kasi siya sa akin kaya gan'un.

Pero, is this destiny? Pinaglalapit talaga kami ng tadhana. Pero sana naman, jusko lord, magkatuluyan naman kami! Baka mapatay ko na 'yong author dito.

Wha- wait? Magkatuluyan?!

Iniuntog ko ang ulo ko sa pader, nandidiri ako sa mga naiisip ko. Baka pati si D.O ay mandiri kung naririnig niya itong mga pinagsasabi nang puso't isipan (charot!) ko.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Kaya ko 'to, aja! Fighting! Hwaiting! Go, go, go!

💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉 💖 🎉

"Hindi ka sasama?!" Awtomatikong napa-tampal ang kamay ko sa aking noo, inaasar talaga yata ako nitong si Venice eh?

Napakagat labi siya, habang si D.O naman ay nakasandal sa kaniyang McLaren at abalang abala sa kanyang cellphone, "Eh, kasi si Mommy hinahanap na ako- may pupuntahan kasi kaming marriage meeting," hindi mapakali ang kanyang itsura, na para bang importanteng importante iyon.

"Can't you stop arguing? The time is ticking," agad akong napatingin sa nakapamulsang si D.O, may halong iritasyon ang boses niya, sinamaan niya ako ng tingin kaya agad akong napaiwas ng tingin at binalingan si Venice na nagmamakaawa sa aking pauwiin ko na siya.

"Ayoko talaga, Ven. Ni hindi ko nga kilala 'yang taong iyan," halos pabulong pero mariin na pagkasabi ko.

Napabuntong hininga siya, "Okay, hayaan na lang natin si D.O na magsurvey sa squatters' area na iyan, baka kasi ma-carjack lang naman ang napaka-ganda niyang McLaren, baka bugbugin lang naman siya ng mga tambay sa may kanto roon dahil naangasan sa itsura niya, at baka masali lang naman siya sa riot. And it could be worse than that, baka masaksak lang naman siya at mamatay. Okay lang naman iyon sa atin kasi 'di naman natin siya kilala," seryosong sabi ni Venice sabay ang pagkibit balikat.

Iniuntog ko ang ulo ko sa kotse ni Venice, ako pa talaga ang kinonsensya niya. Akala niya naman may pakialam ako kay Darius Olen de Guzman!

Eh, may pakialam naman talaga ako. At syempre, ayoko siyang mapahamak at lalong ayaw kong masaksak siya at mamatay. Hindi ko kaya 'yon! Nakakatakot.

"Oo na, 'ge na. Umuwi ka na." Tumayo ako ng tuwid at bahagyang lumayo sa kotse niya, nagtitili naman si Venice at agad na pumasok sa pink niya na Mini Cooper.

Ibinaba niya pa ang tinted glass nang kotse niya at kumaway, "Bye, Jade! Bye, D.O! Nice meeting you, see you around." Pagkatapos n'un ay sinara niya na ang bintana ng kotse niya at humarurot palayo sa bukana ng Brgy. Maligaya.

Oo, nandito na kami sa entrance ng Brgy. Maligaya at marami-rami na rin ang mga tambay na nakatingin sa amin. Well, kay D.O lang pala. Syempre, kutis mayaman, kutis gwapo at ang gara pa ng kotse- parang pinagsisigawan pa nga nito na 'mayaman ako, tingnan niyo kung ano meron ako. Haha!'.

Narinig ko ang obvious niyang pagtikhim kaya agad akong napalingon sa kanya, nakapamulsa pa rin siya habang nakasimangot, "I didn't know that you argue too much," sarkastiko nitong sinabi, na para bang pinapahiwatig niyang masyado akong maraming pinaglalaban sa buhay. Pfft.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon