UPDATE 17

3.1K 60 6
                                    

UPDATE (17)

Jade Carla's Point of View:

"Woohoo!!!" Narinig ko ang mga pagka-lakas lakas na palakpakan mula sa paligid, naalala ko nga palang nagtatago lang ang mga team mates ni Darius sa paligid at paniguradong nakikinig sa usapan namin.

Instead of being angry and mad, I find myself laughing with them. Hindi ko naramdaman ang hiya na narinig nila ang mga drama namin sa buhay, siguro kasi naiintidihan nilaㅡ "Man, you guys were so melo-dramatic!" I heard someone said, I don't know him but he is damn! He has an oozing charisma, handsome face and oh, he is not my type- too bad boy for me.

Binabawi ko na ang sinabi kong naiintindihan nila ang nararamdaman namin, well, si Darius nga lang talaga siguro ang matino sa kanilang lahat at may magandang pananaw sa pag-ibig. Ano nga ba ang ine-expect ko sa mga nagu-gwapuhang mga lalaking ito? It's not that I am saying na wala sa bokabularyo nila ang magseryoso pero halatang halata kasi sa mga pagmumukha nila, but except Darius, of course and I hope so.

Mahinang sinapak ni Darius ang braso nung lalaking nangantiyaw sa amin, "What? You guys really eavesdropped? Kris!!!" Natatawang sabi ni Darius, ganito pala siya kakulit kapag kasama ang mga kaibigan niya, nakakatuwa lang panuorin.

So, his name is Krisㅡ hindi siya masyadong familiar sa akin kaya siguro ay hindi ko siya masyadong kilala, kahit sa mukha man lang. "Mahal na mahal kita~" Kris mimicked Darius, with his horrible Tagalog accent. Kung worst ang accent ni Darius, Kris' was beyond awful.

Darius started throwing things to him, and his team mates started laughing so hard too. And there is Chase, literally laughing like an idiot. 'Yung mga ngiting may masamang binabalak? 'Yung mga ngitian ni Chucky sa horror film n'ung early 90's, grabe ang creepy talaga nang lalaking 'to.

Nakaramdam naman ako na may umakbay sa akin so I looked up, it was Kaizer Perez, Kai for short. Well, who wouldn't know him? Siya 'ata ang number one play boy na nakilala ko sa buong buhay ko, kaya medyo nakaramdam ako nang ilang sa pag-akbay niya sa akin. I am hoping that he is not hitting on me, "Are you scared of me?" He said raising a brow, it gave me chills, kakaiba kasi siya tumitig- parang laging sensual. Ewan ko ba, o sadyang ako lang 'tong may mali?

Tatlong beses akong kumurap bago nagkaroon nang lakas nang loob na makapagsalita, "H-Ha? No!" Nauutal na sabi ko pero alam ko sa sarili ko na I sounded so defensive, hindi naman ako natatakot sa kaniya pero- nakakailang lang talaga siya tumitig. Parang laging makikipag-sex? If you know what I mean?

Tinanggal niya ang kamay niya na naka-akbay sa akin at kumamot sa batok niya, napansin kong may sugat siya sa wrist niya at may tuyong dugo sa kamao, well, sila namang lahat pero ang pinaka-nasaktan (sa tingin ko), ay si Darius. "You know Jade, no matter what happensㅡ don't leave D.O alone." Makahulugan na sabi niya, hindi siya nakatingin sa akin pero kita sa mga mata niya ang sinseridad.

Naguguluhan akong napatingin sa kanya nang matagal, "What do you mean by that?" Iniiwasan kong kabahan pero sa mga pinagsasabi nitong lalaking 'to- natatakot na ako.

Napabaling naman nang tingin sa akin si Kai at nginitian ako na para bang okay lang ang lahat, "I said, don't leave him... It will surely break his heart," Nakangising sabi nito, but more like teasing me. Pero hindi ko maramdaman na talagang biro lang 'yung mga sinasabi niya. Parang may something kasi eh.

May sasabihin pa sana ako kaso tumingin siya sa relo niya at humikab, "It's almost 4 in the morning guys, let's get outta here." Sabi niya at agad na lumapit kay Chase, not giving me a hint kung ano bumabagabag sa kanya. I hope it has nothing to do with me, especially to Darius.

"Let's go, baby?" Naramdaman ko ang paghawak ni Darius sa kamay ko kaya para akong na-stiff sa kinatatayuan ko, add the fact that he called me- baby?!

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon