UPDATE K

760 35 10
                                    

UPDATE (K)

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa kawalan, hindi ko pa rin lubos maisip na gan'on pala kalala ang sitwasyon na pinasok ko.

Muntik na akong mahulog mula sa kinauupuan ko dahil sa naramdaman kong binatukan ako ni Venice, nasa itaas kasi kami ng AVR room. Agad ko siyang sinamaan ng tingin samantalang siya hindi magkandamayaw sa kakatawa. "Tulala ka na naman." Sabi niya ng matapos siya sa pagtawa.

Inirapan ko siya, "Ako na naman ang nakita mo." Reklamo ko, wala na kasi siyang ibang ginawa kundi ang punahin ang mga ginagawa ko.

Inismiran niya ako, "Hindi ka pa nga nagkukuwento kung ano ang nangyari sa date niyo ni D.O kahapon eh." Nang sabihin niya 'yun ay nilingon ko agad siya at sinamaan ng tingin. Gusto ko na ngang magising sa bangungot na ito eh. Hindi naman ito ang ginusto ko. "Kung ano man ang nangyari Jade, ginusto mo 'yan. Hindi na lang muna kita kukulitin tungkol diyan." Bahagya niya akong nginitian at ipinagpatuloy ang pagsusulat ng lecture.

Sumandal ako sa kinauupuan ko at mariing pumikit. This is not what I wanted.

Naging mahaba ang araw para sa akin, alas dose pa lamang ng tanghali ay tamad na tamad na ako. Major subject pa naman namin ngayon at kailangan kong makinig sa Professor dahil nalalapit na ang midterm examinations.

Magja-jotdown na sana ako ng lecture notes nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko mula sa aking bulsa. Sumulyap muna ako sa nagsasalita naming prof bago ko patagong nilabas iyon sa aking bulsa.

1 new message

Agad kong ini-swipe iyon para basahin ang mensahe.

Darius <3:
What are you doing? :)

Halos maduwal ako sa sobrang halo-halong emosyon, natatawa na kinikilig at the same time. Naiinis ako sa kaniya pero hindi ko mapigilan ang traydor kong damdamin na maramdaman iyon. Kung bakit kasi may smiley pa ang text niya? Hindi niya ba alam na sa kaunting move niyang iyon ay may kakaibang impact sa akin iyon.

Agad kong tinipa ang aking cellphone para mareplyan siya.

Me:
Class hours. What about you?

Message sent.

Hindi ko na ibinalik sa bulsa ko ang phone ko, bagkus ay ipinatong ko ito sa desk ko. Naghihintay sa kanyang reply. Mga ilang minuto akong nakatitig sa phone ko pero wala pa rin akong respond na nakukuha mula sa kaniya, pinilit kong makinig na lang sa prof namin kaysa maghintay sa reply niya. Pero di ko pa rin naiwasan iyon, minu-minuto akong sumusulyap sa phone.

Natapos na lang ang klase namin ng 2:30pm ay wala pa rin siyang reply. Padabog kong ipinasok sa bulsa ang phone ko at nilagay ang mga gamit ko sa bagpack ko.

Mamayang alas kuwatro pa ng hapon ang susunod kong klase, magli-late lunch na lang muna ako. May klase si Venice sa NCM107 niya, sa walo kong subject ngayong semester ay dalawa d'on ang hindi kami magka kaklase. Advanced kasi siya, ga-graduate na siya sa November samantalang ako ay sa susunod pang taon.

Kaya ngayon ay mag isa lang akong kakain. Palabas na ako ng building nang may biglang umakbay sa akin. Nanuot sa ilong ko ang pabangong gamit niya, kabisadong kabisado ko pa rin ang gamit niyang Calvin Klein na pabango.

"Elvis," bahagya akong kumawala sa pagkakaakbay ni Elvis sa akin, hindi naman dahil sa galit ako sa kaniya. Parang katawan ko na mismo ang gumalaw.

Nginitian niya ako, "You've... changed." Mapait niyang sabi.

Kumunot ang noo ko, "Ha? Hindi ko gets." Bahagya akong ngumuso.

Umiling na lang siya at tumawa, "Wala, let's eat?" Yaya niya sa akin.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon