UPDATE O

644 40 20
                                    

UPDATE (O)

Four.

Paulit ulit kong sinusulat iyon sa likod na parte nang lecture notes ko, four days nang hindi nagpapakita si Darius. Which is odd, dahil mula n'ung one-sided deal namin ay araw araw niya akong pinupuntahan sa school at laging tinetext.

Pero ngayon? Kahit isang text na blank message ay wala akong naresib mula sa kaniya. Hindi ko rin naman siya kinontact mula noong sigawan niya ako sa coffee shop. I want him to cool down first before talking to him.

Or should I initiate? Na ako na ang maunang makipag usap? I understand na hindi niya gustong nakikitang nasasaktan si Sabrina, pero 'yun naman ang dahilan kung bakit kami nagtandem, 'di ba?

Sa apat na araw na iyon na pag-iisip, napatunayan ko sa sarili kong wala akong kasalanan. He dragged me into this, sabi niya ako lang ang makakatulong sa kanya. What I am trying to do is helping him, with all I have. Kahit na nasasaktan din ako, dahil may gusto ako sa kaniya. He knows that, and he's ignoring that fact.

I felt a soft nudge, taking me away from overthinking. Napaangat ako ng tingin, si Venice iyon. "May naghahanap sa'yo sa may labas ng room." Nagtaas baba pa ang mga kilay niya at umupo sa tabi ko.

Nakaramdam ako ng kaba. Si Darius kaya iyon? I felt restlessness. Hindi ako mapakali, hindi ako nag ayos ngayon dahil late na akong nakapasok kanina n'ong first period dahil sa napuyat ako kakaisip sa kanya kagabi. Hindi ko kasi talaga alam kung dapat ba ako maguilty sa nangyari o hayaan ko na lang. It's none of my business, anyway.

"Magtigil ka sa pag iinarte, te. Hindi si D.O mo iyon." Narinig kong sabi ni Venice, para tuloy biglang nawala ang namuong kaba sa aking dibdib.

Nakakunot ang noo ko nang binalingan ko siya ng tingin, "Eh, sino? Si Elvis ba?" Matagal na kaming hindi nakakapag usap n'on, iniiwasan ko din naman kasi siya kaya siguro wala kaming chance na magkausap.

Umismid siya, "At bakit mo naman naisip na si Elvis iyon? Hoping ka pa rin ba sa cheater na 'yon? Tss." She hissed and rolled her eyes.

Kinurot ko siya sa braso niya, napadaing siya dahil sa pino kong kurot. "Eh sino nga?" Inambaan ko siya sa pangungurot.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Hindi ko kilala! Pero gwapo iyon! Nasa labas siya ng room, kanina pa nga pinagnanasaan ng mga freshman iyon, e."

Nakakapagtaka naman, wala naman akong kakilala na hindi kilala ni Venice dahil lahat nang nangyayari sa buhay ko ay kinukuwento ko sa kanya. Aside from the one-sided deal that Darius and I had. Tsaka ko na lang ikukwento sa kaniya kapag tapos na ang lahat. "Sino kaya 'yun?" Bulong ko sa sarili ko pero tumayo na rin ako para lumabas ng room.

"Kaya siguro hindi na pumupunta si D.O dito kasi may third party ka?" Rinig ko bago ako makalayo kay Venice.

Nilingon ko siya at pinakyuhan, "Gaga ka talaga, tinulad mo pa ako sa isang haliparot." Inirapan ko siya, siya naman ay tumawa lang ng malakas.

Nagtungo na ako palabas ng room, bumungad sa akin iyong lalaking nanlibre sa akin ng pizza last time, "Oh," bungad ko sa kanya. He's wearing his XOXO U NSTP shirt. So, he's a freshman?

Nakuha ko ang atensyon niya kaya napatingin siya sa akin, nginitian ko siya pero seryoso lang ang titig niya sa akin. Okay? "Ba't ka nandito?" Tanong ko.

He cleared his throat, "Can we talk?"

Kumunot ang noo ko, "Nag-uusap na tayo, ah?" Aren't we talking? If not, ano tawag dito?

Tumikhim siya, nasarkastikohan 'ata sa akin. "Can we talk in private? It's important." Seryoso niyang sabi. Kung hindi lang siya seryoso ay binasag ko na siya. I barely know him, Tom lang ang alam kong pangalan niya at dalawang beses pa lang kami nagkikita. Pangatlo pa lang ngayon, kaya hindi ako sure kung importante talaga ang pag uusapan namin dahil we don't have nothing in common, right? Bukod sa mukhang kakilala niya rin si Darius. Is this about him?

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon