UPDATE 21

2.5K 50 8
                                    

UPDATE (21)

Jade Carla's Point of View:

"Ano ba Chase?!" Rinig kong sigaw ni Venice mula sa labas ng apartment ko, panigurado nangungulit na naman si Chase kaya nasisigawan siya.

Alas otso na ng umaga, at kararating lamang nila para sunduin ako ngayon para sa 'UNOFFICIAL ALUMNI PARTY' naming magkakabatch. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa mga estudyante ng XOXO para sumama sila sa amin sa Alumni.

Inayos ko na muna ang bagahe ko kasabay na ang paglinis nang kwarto ko. Bahala silang maghintay sa wala diyan. Hahaha.

"Baby!" Rinig ko ang malakas na pagkatok ni Darius sa pinto ko.

Para akong hinahabol ng zombie sa sobrang pagmamadali, it was like I had an adrenalin rush when I heard his soft voice outside of my room. Parang gusto ko ng matapos 'tong ginagawa ko at lumabas ng kwarto para makalabas ng kwarto dito at mayakap siya. Wahahahaha! Ang landi. "Teka lang kasi!" Kunwa'y naiinis na sabi ko para hindi niya mapansin na nagmamadali akong mag-ayos dito para makita lang siya. Mwehehehe!

Hindi niya tinigilan ang pagkatok sa pinto ko, "Hurry, I can't wait to see you." He eagerly said while banging my door.

Hindi ko napigilang mapangiti, he is really sweet. I am undeniably falling in love with him all over again, hindi ko talaga alam kung kakayanin kong mawala pa siya sa akin. "Yeah, right. Darius, can you just give me a second?" Sinirado ko ang maliit na maleta ko at agad na tumakbo papunta sa banyo at humarap sa salamin para mag-ayos, baka kasi mukha akong kinahig ng manok eh- nakakahiya humarap sa kanya.

Pagkatapos na pagkatapos ko magsuklay ng buhok at ma-satisfy na sa pagmumukha ko ay agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko, bumungad naman sa akin ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo ko. "Darius..." I hardly speak, hindi ko kasi mapigilan ang pagngiti ng labi ko ng makita ko siya. He is so fucking hot.

He gave me his sweetest smile, "Good morning, baby!" He cheerfully said, kasabay na ang pag-abot niya ng bouquet of roses na ngayon ko lang napansin. I was pre-occupied of his presence.

Tinanggap ko ang boquet of roses na iniabot niya, I gave him a quick kiss on his lips. "Thank you." I smiled timidly. Si Darius naman ay parang natulala. So cute. Hay.

Nagsimula na akong maglakad habang siya ay nananatiling nakatayo sa kinatatayuan niya n'ung hinalikan ko siya. Nilingon ko siya at nginitian, "Ayaw kong mapagalitan ni Venice, baby. Tara na." I said with the sweetest voice I could ever speak.

He looked back at me with his naturally glowing rosy cheeks, gahd why do I have a boyfriend like him. He is too perfect for me. "U-Uh," Naiilang na tugon niya habang napapakamot sa batok niya at nakayuko.

I grinned deviously and pulled him, agad kaming bumaba habang hila-hila ko lang siya na parang bata. He is so innocent, ewan ko kung inosente nga siya pero I really felt that way.

"Sa wakas naman at naisipan niyo pang bumaba na dalawa. Nakakahiya naman kasi sa inyo, pinaghihintay niyo pa kami." Agad na bungad sa amin ni Venice habang nakapa-meywang pa. Hindi ko naman magawang barahin siya dahil pinipigilan kong matawa, paano kasi ginagaya siya ni Chase. Chase is silently mimicking and imitating Venice from behind. It was really epic.

Madami pang pinagsasabi si Venice na halos hindi ko na maintindihan dahil pre-occupied pa rin ako sa mga pinaggagawa ni Chase, ilang sandali pa ay hindi ko na mapigilang mapabulanghit sa pagtawa. Gahd, Chase is so serious of imitating her 'yung parang wala siyang balak magpatawa gusto niya lang talagang gayahin 'yung mga pinagsasabi at pinaggagawa ni Venice.

Kasabay nang pagtawa ko ang pagtawa ng lahat, kaya halos mamula na sa galit si Venice. Ayaw niya kasing pinagtatawanan siya kapag nagagalit siya, "Anong nakakatawa?!" Singhal niya sa aming lahat kaya agad na napatikom ang mga bibig naming lahat.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon