chapter 37

20.7K 151 32
                                    

10 OR LESS CHAPPIE NA LANG GUO TAPOS NA TO, MEDJO NAHIHIRAPAN PO KASI AKONG PAG SABAYIN UNG PAG AARAL AT ETO SORRY PO,, 

SALAMAT SA PAG IINTAY NIYO :)

chapter 37 

lawrence's pov

"ano ginagawa niyan dito gab? nakakahiya sa papa mo" pabulong na sabi ni tita amanda kay gavin, pero rinig na rinig ko, alam ko nman na ako ung tinutukoy niya, dahil kulang na lang mahiwa ako sa talim ng tingin niya sakin, ang pinag tataka ko lang asan si tito glen? sinong papa ung sinasabi ni tita amanda?

pinagmasdan ko ung kabuoan ng bahay nila gavin, parang pag ibig lang namin, alam mong may pagasa pa siyang malinis pero napaka gulo,

ang hirap tignan ng mata ni gavin na tumitingin sakin at patuloy ung pag agos ng luha, hinde ako tanga at alam ko kung ano ang ngyayari, sinilip ko si paul sa labas na nakatitig kay gavin, bigla akong nahiya sa sarili ko nung nag tama ung paningin namin, para kasing sinasabi niya sakin na "tignan mo ang ginawa mo sa pamilya nila" 

"mama, tara na po sa kwarto" napatitig ako sa mga mata ni gavin, ayoko man sisihin ung sarili ko sa mga nangyayari sa kanila pero parang sinasabi na ng lahat na ako ang may kasalanan, tama nman na ako lang ang dapat sisihin masaya na si gavin nung wala ako, hinde ako nakinig kay paul, kung hinayaan ko na lang sana siya, siguro hinde mangyayari sa kanila ung ganito

"sa labas lang muna ako" mahina pero sinigurado kong maririnig ni gavin, di ko na kaya ung nakikita ko, sobra na akong pinang hihinaan ng loob, kung ung pag mamahal ko lang kay gavin ung batayan ng buhay namin, kahit kailan hindeng hinde ko siya isusuko

"pag ba nilayuan ko si gavin paul kaya mo ibalik ung dati niyang buhay? ung masaya? mababalik mo ba un?" iniwas ko ung tingin ko kay paul, kada kasi titignan ko siya parang nababawasan ung bilib ko sa sarili ko, una kasi alam ko na kaya ko siyang taluhin sa lahat ng bagay, pero ngayon alam ko talong talo na niya ako kahit pa alam ko nman na hinde si paul ung kalaban namin ni gavin

"iiwan mo na nman siya?" maiksi pero ang sakit sa dibdib, ilan beses ko na bang sinuko si gavin? mahal ko ba talga siya? bakit ba ako ganito? hinde ko na alam na guguluhan na ako, ang gusto ko lang nman ngayon maging normal na sila ulit, at alam ko na hanggat kasama ako ni gavin, hindeng hinde sila mababalik sa dati

"di ko siya iiwan, mahal na mahal ko siya paul, kaso......"

"naduduwag ka na nman?" pag puputol ni paul sa sasabihin ko

"ako mahal na mahal ko si gavin! walang KASO walang PERO!" inihanda ko na ung sarili ko sa alam kong dadapo sa muka ko galing kay paul pero nag kamali ako, isang matalim na tingin lang ung binigay niya sakin, parang sinasabi sakin na subukan ko lang iwan si gavin at hinde ko na ulit siya makukuha

"anong gagawin ko paul" itiningala ko ung ulo ko para mapigilan ko ung iyak ko, hinde ako pwedeng makita ni paul na umiiyak, hinde sa nahihiya ako pero natatakot ako na malaman niya na wala na akong balang ilalabas, na umaasa na lang ako sa tadhana kung ano plano niya samin ni gavin

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Where stories live. Discover now