chapter 39

19.6K 177 47
                                    

SALAMAT ULIT SA PAG IINTAY NG UPDATES:) SALAMAT PO SA MGAGANDANG COMMENT KAYA KAHIT BC AKO SA SCHOOL AT SA PARTY PARTY E TALGANG GINAGANAHAN AKONG MAG SULAT.. SALAMAT PO TALGA :))

gavin's pov

"babe, ano okey na ba sayo tong singsing na to" napaitlag ako nung naramdaman ko ung kamay ni paul sa braso ko, andito kasi kami ngayon sa isang mall at nag hahanap kami ng possible na magiging wedding ring namin.

halos isang taon ko na din palang hinde nakikita si lawrence, kung nasaan siya hinde ko alam, pinilit ko nman alamin kung asan siya pero parang siya na mismo ang nag tatago sakin, kung ano ung dahilan niya sa bigla niyang pag iwan sakin hinde ko alam, bsta ang alam ko lang nakita ko na lang ung sarili ko isang araw na hinde ko na siya hinahanap.

siguro sumuko na ako, hinde nman ako sumuko sa pag mamahal ko kay lawrence, mahal ko pa din siya hanggang ngayon, siguro ang sinuko ko lang, eh ung idea na magiging kami balang araw.

nakikita ko na din kasi ung magandang ngyayari sa familya ko simula ng nawala si lawrence sa buhay ko, una si papa nakalaya at si mama unti unti ng umaayos ung kalagayan niya, at ngayon masasabi ko na normal na ulit ung buhay namin.

"oo" maiksi kong sagot kay paul at tumingin ulit ako sa malayo, alam kong napaka unfair ko kay paul dahil mag papakasal ako sa kanya na hinde ko kayang sukliaan ung pag mamahal na binibigay niya sakin, alam ko naman sa sarili ko na mahal ko na si paul pero alam kong alam niya na kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

sobra akong nasaktan nung parang bulang nag laho si lawrence, hinanap ko siya, na parang babalik ako sa dati kong sakit, pero pasalamat na lang ako at kahit minsan hinde ako iniwan ni paul, siya ung asa tabi ko nung mga panahon na wala ng mailabas na luha ung maga mata ko, nung mga panahon na parang gusto ko ng mawala sa mundo pero si paul ang laging nag babalik sakin sa katinuan.

aminin ko man at hinde pero sa pag layo ni lawrence sakin para akong pinapatay, parang unti unti akong kinakain ng pagkamiss ko sa kanya, pero tangap ko na kasi sa pag kawala niya, unti unting umayos ung buhay namin, nag balik sa normal, sadya sigurong eto ang kapalaran namin, at kung asan man siya ngayon sana kagaya ko masaya na din siya.

"babe mahaba nman ung pila, punta muna akong cr ah" sabi ko kay paul nung nakaramdam ako ng kakaiba, sa totoo lang ilang araw ko na tong nararamdaman, ung parang may sumusunod sayo, ung parang may mata na laging nakatingin sayo sa malayo

"sige babe, intayin na lang kita dito, pag tapos natin dito punta tayo kay danica" 

ngiti na lang ung sinagot ko kay paul, sabay linga linga, baka sakali kasing may makita ako na dahilan kung bakit ilang araw na akong parang gumagalaw sa numero, 

malapit na ako sa cr ng my napansin ako na lalaki na naka sumbrelo, may kalayuan siya sa pwesto at natatakpan siya ng tao pero, ung tibok ng puso ko ang nag sasabi sakin na "siya yan"

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon