sa kanya.... chapter 15

41.1K 405 85
                                    

SUPER THANK U GUYS AT HINDI NA NAWALA SA WHATS HOT TONG DI KITA CRUSH!! MGA SILENT READERS LABAS NA KAYO DIYAN, GUSTO KO DIN KAYONG MARINIG!! 

chapter 15

danica's pov

hindi ko alam kung itutuloy ko ba ung mga paa ko sa pag lalakad papunta kila gavin, natatakot kasi ako na galit pa din siya sakin hanggang ngayon, alam ko nman ung kasalanan ko kay gavin, una tinago ko sa kanya ung nakaraan niya, gusto ko nman sabihin sa kanya un dati pa kaso nakiusap sakin ung mga magulang ni gavin na wag na wag kong sasabihin un, isa pa sa iniisip ko na kinagagalit sakin ni gavin ngayon, ung pag tulong ko kay lawrence para magkalapit sila, kala ko kasi pag nagbalik na ung alaala niya babalik na din ung dati kong bestfriend, hindi pala mas nasaktan ko pa pala siya.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay lawrence nung nakita ko siya sa tapat ng bahay nila gavin at mukang kanina pa nag iintay dahil basang basa na siya ng ulan.

"iniintay kong bumalik ung mhal ko" naawa ako bigla kay lawrence kasi nung tinanaw ko ung bahay nila gavin mukang halos walang tao, patay lahat ng ilaw at ang tahimik, alam ko din na galing dito sila paul kanina dahil nakwento ng mama ko sakin na ipapakasal sila, isa lang din pumasok sa isip ko nun idea lahat un ni paul.

"mukang wala sila dito tara na" sabi ko sabay hawak ko sa braso ni lawrence

"alam ko" O_O mata ko yan, alam nman pala niya na wala sila gavin pero nag iintay pa din siya, 

"oh bakit ka pa nag iintay? napgpabasa ka pa diyan sa ulan, kung inaakala mo na maaawa sayo si gavin dahil sa ginagawa mo ngayon, pwes sasabihin ko sayo na hindi, kasi kahit ako asa kalagayan ni gavin, papahirapan din kita ng ganyan!" hindi ko alam pero biglang tumulo ung luha ko, awa siguro ito kay gavin at lawrence, alam ko naman kasi na una pa lang nag mamahalan na sila, pero parang ung tadhana na ung gumagawa ng paraan para magkahiwalay sila, tao lang sila parehas pero kapalaran ung nilalabanan nila.

"sabi ni gavin, nawala siya sa sarili niya dati totoo ba un?" 

di na ako nag salita at hinatak ko na lang si lawrence papasok sa sasakyan niya, alam ko na wala pa din ako sa posisyon para sabihin lahat kay lawrence, pero handa na akong tulungan silang kalabanin ung tinatawag nilang tadhana, gusto kong malaman na ni lawrence lahat para maintindihan na niya kung bakit ganun na lang ung galit ng mga magulang ni gavin sa kanya, at kung bakit mas pipiliin ni gavin si paul kaysa sa kanya. 

gusto ko pag nalaman na niya lahat, hindi siya sumuko, dapat lumaban siya. ipag laban niya ung alam nilang tama, tutulungan ko naman sila.

"hindi tumigil si gavin kakaiyak nung nakita ka niya na kinasal" sabi ko habang inaabutan ko ng twalya si lawrence nung natapos na siyang maligo, andito kami ngayon sa bahay namin at asa kwarto ko siya, mahirap na baka makita pa siya ni paul, lagot na nman ako dun.

"hindi na siya kumakain, nung una okey lang kasi alam nman namin na nasaktan talga siya dahil sa ngyari, pero natakot kami nung sumisigaw na siya, kahit pa takot kami nun ayaw pa din ng papa ni gavin na dalin siya sa doctor, nasaktan lang daw si gavin kaya siya nag kakaganun" 

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon