Previous Page of 3Next Page

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)

spinner.gif

salamat po sa lahat ng votes niyo at comment nakakainspired mag sulat pero ngayon pa lang gusto ko ng mga sorry kasi baka di na nman to maganda,,,

1ng shot na lang at final shot tapos na po ito, picture ni lawrence ung sa gilid po... if my time po kayo sana pabasa din ung isa kong work ung my imperfect ideal man

hi pala kay sweet danica barican ang aking pretty na pinsan ^__^

************************************************************************************************************

gavin's pov

"tara mahal ko dun tayo sa tom's world" aya ko kay lawrence nung maaga kaming pinauwi at napagdisisyonan namin na mag mall muna,, mahilig kasi akong mag laro ng mga video games sa tom's world, madalas nga pag nag sshoping si mama dito ako nag papaiwan tpos babalikan na lang niya ako pag tapos na siyang mag shoping, oo guys hindi ako ung tipikal na collage girl na mas gustong mag shoping kaysa maglaro ng video games, mas gusto ko mag laro ng video games kaysa mag shoping.

"para kang bata" grrrrrrrrrrrrrr!!! ayan na nman ung parang bata na yan ni lawrence, at mukang eto na nman ung magiging majic word niya, kung ilang bwan niya yan gagamitin aun ang hindi ko alam, kala ko kasi nung una kaya niya un sinasabi, para 'baby' ung magiging endearment namin, pero sabi niya ayaw daw niya nun, at ang unang pumasok sa utak niya ung mahal ko, kasi daw mahal niya ako...

kyaaaaaaaaaaa ang bonga ng hair ko ^__^

"nood na lang tayo ng sine" sabi ni lawrence sabay hawak sa kamay ko,,, eeeee nman kasi eh!! eto ung unang beses hinawakan ni lawrence ung kamay ko sa maraming tao, madalas ksi pag nag lalakad kami nakaakbay lang siya palagi sakin.

"wow ang matured naman manuod ng sine" sarcastic kong pagkakasabi kay lawrence, >__< gusto ko kasi talga mag tom's world! sabihin ko kaya sa kanya na siya na lang manuod ng sine tpos sunduin na lang niya ako sa tom's world pag tapos na ung pinapanuod niya? ay wag na lang mamatay pala siya hahaha!

"kaysa nman tom's world parang bata" o di siya na ung may majic world! nakakabwiset na! sumasakit na ung ulo ko sa 'parang bata' na yan pag naririnig ko yan kay lawrence!!

pagtpos namin manuod ng napakagandang wrath of the titans nag aya na akong umuwi, pano ba naman hindi nman un ang gusto kong panuorin gusto ko sana ung avengers kaso ang sabi ng matured na matured na lawrence 'parang bata' daw ung palabas, oh di siya na ung matured! kakainis lang, nakita nman niya na maraming nanunuod na matanda dun sa pelikula tapos sasabihin na pang bata, ung mga nakapila kaya sabihan niya ng parang bata tignan ko lang...

"sa saturday sunduin kita dito ng 6pm, bday ng tita ko andun lahat ng mga pinsan ko papakilala kita sa kanila mahal ko" sabi ni lawrence sakin nung hinatid na niya ako sa tapat ng bahay namin, napangiti ako kasi kahit ang tagal na nmin mag kakilala ngayon lang niya ako papakilala sa mga kamag anak niya, di nman ako nang tatanong sa knya tungkol sa pamilya niya, kasi gusto ko siya ung mag kwento sakin ng kusa...

halos naikot ko na ung buong festival mall para lang makahanap ng magandang damit na isusuot ko sa bday ng tita ni lawrence, syempre unang beses ako makikita ng mga kamag anak ni lawrence ayaw ko namn na mapahiya ako sa kanila.

"ang ganda mo mahal ko para kang bata" >___< okey na eh! aun na ung level ng kilig ko sa ang ganda at mahal ko tapos babanat na nman ng parang bata!!! ok nman ung napili ko na damit at hindi ito parang pang bata, black tube na fit ung damit ko, hanggang taas ng tuhod ko ung haba at merong red na belt tinernohan ko nga din ng red doll shoes tpos nag lagay din ako ng light make up para hindi na ako masabihan ng parang bata, tapos ganito lang?

30 minutes ung byahe namin ni lawrence papunta dun sa bahay ng tita niya good thing at 30 minutes lang kasi malapit na akong sumabog sa badtrip ko kay lawrence, sa buong 30 minutes na un lagi niyang sinasabi,, ganda ng mahal ko parang bata,, ok na sana kaso talgang nabbwiset ako dun sa parang bata niya, tatanungin ko na sana siya kung bakit niya laging sinasabi na para akong bata kaso nakarating na kami sa pupuntahan namin...

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (205)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

4th shot

Cast

kim bumas lawrence cristian perez
go araas gavin joehan vitan
Kim Hyun Joongas paul barican

Who's Reading

Recommended