.45

118 18 20
                                    


.45 

I can feel Ivo's eyes on me while I am at the counter. Hindi ko maiwasan mailang sa mga titig niya sa akin ngayon. 

Hindi kami nakapag-usap kanina dahil nasa shift ako ngayon. I told him that I'd talk to him after my shift, and he insisted on waiting.

I sighed, as I wipe the coffee mugs. Nararamdaman ko pa rin sa tiyan ko yung mga butterfly. Hindi ko sila kayang pakalmahin habang nandiyan si Ivo.

"Sana all baby tawag," Leah says as she tries to suppress her giggles. "Sino ba yan, Skyla? Ex-boyfriend mo ba yan?"

Hindi ko pinansin si Leah at pinagpatuloy na lamang ang pagpunas sa mga coffee mugs. "Did I tell you na lagi ka niyang hinihintay? Mula umaga hanggang mag-close ang shop ay nandito siya."

I bit my lower lip. Hindi naging maganda ang huling usapan namin ni Ivo at ngayong nandito na siya ay hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

Do his friends know he's here?

I can still remember the words Polina told me that night.

"You're slowing Ivo down, and in the process, he's slowing us down too because of you."

"I told him to leave you after we have your chip removed."

I still do not know what Polina meant by those words, but I have a hunch.

They know that I have the Costa blood in me, and Ivo's interest in me won't do them any good because Ivo is a Moretti, and they work for the Moretti Mafia.

Lastly, Costa Mafia and Moretti Mafia are not in good terms.

It's a conflict in interest, kaya naiintindihan ko kung bakit gusto ni Polina na lumayo ako kay Ivo at ganoon din si Ivo sa akin.

But why is he here?

Why did he wait for me?

And why does my heart aches for him?

I glanced at Ivo; he's reading a book now. Buti nalang at hindi na siya nakatingin sa akin kasi baka matunaw ako.

Halos tatlong linggo lang kami hindi nagkita pero parang lalo siya naging gwapo. Pwede ba iyon? Napatingin ako sa mga mapupula niya labi at sa mga kamay as he flips the pages of the book.

Those lips traveled and kissed my body.

Those hands caressed me gently that night too.

As if sensing me looking at him, his eyes moved up from the book to me. At agad akong nag iwas ng tingin pero ramdam ko pa rin ang mga mata niya sa akin ngayon.

I can feel myself redden at napahawak ako sa dibdib ko para pakamalhin ang mabilis na tibok ng aking puso.

Binaling ko ang mga tingin ko kay Leah. She's watching Ivo and me. "Wow, Skyla. Teenager lang ang peg mo? Bakit ka nagblu-blush diyan. Para kang kamatis!" Bahagya kong kinurot si Leah sa tagiliran niya. "Aray!" ani niya.

Hinimas niya ang parteng kinurot ko bago ako tignan ng seryoso. "Hindi ko alam kung anong meron sa inyong dalawa, Skyla pero sana magkaayos kayo ni gwapito. Isipin mo ito girl. Hinintay ka niyan ng halos dalawang linggo. Mahal ka niyan!"

I can feel my heart race, especially when I heard Leah's last words, and I shook my head.

Umiwas ako ng tingin, sa halip ay pinili kong tignan ang mga tea bags. "Paano kung bawal? Paano kung hindi pwede?" I whispered.

"Anong bawal? Sa tingin mo may pake siya kung bawal? Kasi kung bawal bakit siya nandito ngayon?" Leah explains. "Nandito ako noong naghihintay siya sayo. Halos dalawang linggo rin iyon. Sa tuwing bumubukas yung pinto ng shop ay nandoon ang pag-asa na sana ikaw yung makikita nya pero hindi. Ngayong nandito ka na, sana ay mapag-usapan niyong dalawa kung ano man ang naging alitan niyo."

My Lover is the Son of a Mafia LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon