Mission #33 Rival

190K 6.7K 1K
                                    

Thanks to @lycanthrope23 sa name ng girl na binigay mo :)

@goluckycharm at @karlangeloababa thanks sa votes :)
@MiszBlackSwam nainspire ako sa comment mo XD

LHORRAINE's POV

As usual maaga kaming pumasok. Pansin ko rin na maaga ang He Royals at kanya-kanya sila ng tabi samin.

Si Rose at Leif lang ang hindi. Nag-uusap naman sila pero not in a Romantic way.

Si Jana at Crimson, as usual, nag-aasaran pero minsan inaalo naman nila ang isa't isa kapag nagkakapikunan na.

Si Wave at Kristine? Asan na nga ba sila? Lumabas sila kanina.

"Good Morning class." Napaayos agad kami ng upo ng dumating na yung teacher.

"I want you to meet someone, she'll be part of this class from now on... Please come in and introduce yourself."

Napatingin kami sa babaeng pumasok, she has this brown wavy hair and chinita din siya.

"Yo! I'm Junea Lyca Lee, Bea Serine's cousin." She grinned lahat kami napatingin sa direction ni Bea who seems not bothered.

"Okay miss Lee, you can have any available seat." Sabi nung teacher.

Agad niyang nilibot ang mga mata niya sa loob ng classroom. Her gazes stopped in our direction.

Or specifically, on Ash. Bigla siyang napangiti at naglakad papunta sa direction namin at umupo sa vacant chair na pinaglagyan ni Ash ng bag niya.

"Excuse me pwede bang pakitanggal yung bag mo sa likod ko." She asked pero hindi siya pinansin ni Ash.

"Ash tanggalin mo na." Yugyog ko dito. Napabuntong hininga ito at kinuha yung bag niya.

Pero bago pa niya matanggal yung bag niya agad ng sumandal si Junea sa backrest ng seat niya.

Para na tuloy nakaakbay si Ash sa kanya. I gulped. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko ng ngumiti si Junea kay Ash.

"Aray!" Junea squealed ng marahas na tanggalin ni Ash yung bag sa likod ni Junea muntikan pa nga itong masubsob.

"Mr. Grey? Ms. Lee?" Tanong nung teacher, nainterupt kasi yung lesson sa pagsigaw ni Junea.

"Uhm wala po ma'am. Sumakit lang po kasi yung natwist na ankle ko." Junea said. Napatingin ako sa ankle niya, isa akong healer kaya makikita ko yung masakit na part ng isang tao.

Blue, walang kahit anong defect, she's lying.

"Sobrang sakit ba?" Tanong nung teacher. Junea bit her lower lip at tumango.

"Bakit ka pumasok if that's the case? Let me see." Lumapit sa kanya si Ma'am at hinawakan yung ankle kaya napasigaw si Junea ng malakas.

She's really good at acting.

"I just forced my self today, I don't wanna miss my first day here in Royal Academy." sabi nito.

"You're such a good student, but incases again like this, don't force yourself okay? You can just submit an excuse letter, can you still tolerate it?" Umiling si Junea na parang naiiyak na.

Tumayo si Ma'am at bumuntong hininga.

"Mr. Grey, can you please accompany her to the clinic?" Tanong ni ma'am kay Ash.

"What?! No way!"

"Ma'am it's okay, I can go there on my own." Junea struggled to get up at halos matumba, napapangiwi ito.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESWhere stories live. Discover now