Mission #15 Mommy

230K 7.1K 830
                                    

"Bakit kailangang dito sila? Mas maganda naman yung bahay nila kaysa dito?" Tanong ni Kristine kina Lhorraine.

Maging sila ay nagulat sa biglaang pagdating ng He Royals sa tapat ng mansyon nila, buti na lang mabilis yung effect ng tranformation power ni Rose.

"Hindi ko rin alam, hindi ko inaasahang dadating sila ngayon." pabulong na sagot nito.

"Asan nga pala si Jana?" Tanong naman ni Rose.

"Weekends ngayon Rose, alam mo naman kapag weekends, unlimited ang tulog nun." Sagot ni Kristine.

Magkakasunod na tumigil sa harap ng mansyon ang apat na mamahaling sports cars ng mga He Royals.

Sabay-sabay pa silang bumaba at sabay-sabay na nagtanggal ng shades.

"Napag-isipan naming dito na lang kami magpapatutor tutal dito kayo mas komportable." Sabi ni Crimson habang naglalakad sila papalapit sa tatlo.

"Pwede ba next time pakinotify us? Buti na lang malakas ang pang-amoy ni Rose." Irap ni Kristine kaya nasiko siya ni Lhorraine.

"Pano niyo nalamang dadating kami? It should be a surprise visit." Sabi ni Leif.

"Actually, naghihintay na kami ng taxi papunta sa inyo kaya andito kami sa labas. Nagkataon lang lahat." excuse ni Rose. Mukhang bumenta naman ang palusot niya dahil nagdiretso na ng pasok sa bahay nila yung Royals.

"U-uh pasok kayo?" Sarkastikong sabi ni Kristine dahil sa kawalan ng manners na pinakita ng mga HEs.

Inilibot nilang apat ang mga mata nila sa loob ng mansyon.

"Malinis." Komento ni Leif.

"Maliit." Sabi naman ni Wave.

"Masikip." Dagdag pa ni Ash.

"Luma." Gatong ni Crimson.

"So, yan ang pinunta niyo dito? Ang laitin ang bahay namin? Galing niyo ah?" Nakahalukipkip na sabi ni Kristine sa apat na patuloy lang sa pagbusisi sa bahay ng mga nerds.

"Maaliwalas naman dito sa loob." Nakangiting sabi ni Leif.

"Simple, walang bago, puro antiques, nothing's extravagant, in short boring." Dagdag pa ni Crimson.

"A-- aww!!" hindi na naituloy ni Wave ang sasabihin niya dahil inapakan ni Kristine ang paa nito.

"Isa isang komento pa at papalayasin na namin kayo." Pananakot nito.

"Okay, we didn't actually come here to play. Gaya nga ng sabi ko, kami na ang pumunta dito para magpatutor. Ayaw naming magkaroon ng utang na loob sa inyo." Cold na sabi ni Crimson.

"Actually, hindi rin kasi kami prepared, si Jana nga tulog pa eh." Nahihiyang sabi ni Rose.

"Yan bang mga colored doors ang mga kwarto niyo?" Turo ni Leif sa mga pinto sa second floor.

"Ah oo, yung sa dulo, yung pula kay Jana, kay Lhorraine yung white tapos akin yung green, and kay Kristine yung blue." Sagot naman ni Rose.

"That's weird." Komento ni Ash na ikinanuot ng noo ni Kristine.

"Sobrang weird." Dagdag na naman ni Crimson.

"Anong weird? Baka baduy." Tawa ni Wave, nakatakbo na siya papunta kay Leif bago pa maapakan ulit ng nagdadabog na si Kristine ang mga paa nito.

"Sorry if our home didn't meet your expectations." Walang emosyong sabi ni Lhorraine.

Napatss tuloy ang tatlo at halos magkakasunod na naglakad ulit at kusa ng hinanap ang study room ng mansyon ng mga nerds. Nakailang ikot na sila sa mga pasilyo at halos pabalik-balik na sila sa living room, nabuksan na rin atah nila lahat ng pintuan maliban na lang sa masters bedroom, pero wala pa rin silang nakitang study room or kahit library man lang.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESWhere stories live. Discover now