Mission #10 Face Off

256K 7.7K 1.4K
                                    

"Lagi na lang matamlay si Yancey, masakit talaga siguro sa kanya yung nangyari." Sabi ni Rose habang nakatambay sila sa garden dito sa school.

Nakahiga si Jana sa bench at kinakain yung mga petals ng rose. Si Lhorraine nakaupo sa bench at nagbabasa sa tabi ni Rose habang si Kristine nasa may fountain at binababad yung paa.

"Kung ako nga rin kapag naranasan ko yun siguradong mahihirapan din akong magmove on." Sabi naman ni Kristine habang nagwawater bending. Gumagawa siya ng iba't ibang imahe mula sa tubig sa fountain.

"Hindi mo naman mararanasan yun kasi walang papatol sayo." Singit ulit ni Jana. Napairap na lang sa kawalan si Kristine kahit ang totoo'y gustong-gusto na niyang lunurin ito.

"Lhorraine, sa tingin mo ayos lang si Jana?" Bulong ni Rose kay Lhorraine. Nasa tapat nila si Jana at busy sa pagkain habang nasa likod ng bench na inuupuan ni Lhorraine at Rose yung fountain kung asan si Kristine.

"Oo nga, after nung sunog back to normal na ulit siya. Parang walang nangyari eh, hindi tulad ng ineexpect kong magwawala siya." Sabi ni Kristine, napatango-tango naman si Rose at sabay pa silang tatlong napatingin sa gawi ni Jana.

"Hayaan niyo na lang baka may matrigger tayo. It's either nagkaamnesia siya ulit or nagpapanggap lang siya na ayos na siya." Sabi ni Lhorraine.

>>Flashback>>

Mabilis ang pagtakbo ni Rose pabalik sa mansyon. Halos walang makakita sa kanya sa tulin nito.

"Rose?!" Tawag sa kanya ni Yancey pagkauwi niya, agad niyang binaba si Jana na walang malay at nagbabaga ang ilang bahagi ng balat.

"Anong nangyari?" Tanong ng dance instructor ni Jana na isa ring Fire Demon.

"May sunog kanina malapit samin, sumugod dun si Jana. Yancey, nakita niya lahat!" Medyo tarantang sabi ni Rose, agad namang lumapit ang dance instructor nito at inalo siya. Nanginginig si Rose habang pinagmamasdan nila si Jana na nakahiga sa sahig at walang malay.

"Pano kung magwala siya? Pano kong maging demon siya ng wala sa oras? Maraming mapapahamak! Asan ang ibang mga prinsesa?" Tanong ni Yancey kay Rose.

"P-parating na sila. Inayos lang nila yung gulong pinasok Jana." Napakagat na lang si Rose na halatang kinakabahan sa mga pwedeng mangyari.

"Tatlo kayo! Hindi niyo man lang ba siya napigilan?" Umiling si Rose sa tanong ni Yancey. Napahilamos na lang ito ng mukha. Maging siya hindi niya alam kung anong gagawin.

Hindi siya maharlika gaya ng mga prinsesa, isa lang siyang kawal. Pangatlo sa mga pinakamababang uri sa Underworld.

"Wag ka ng magalit kay Rose, Yancey. Kahit naman pagsama-samahin ang kapangyarihan namin, wala talaga kaming laban kay Jana." Biglang sulpot nina Lhorraine at Kristine.

"Ano ng nangyari dun?" Tanong ni Rose sa dalawa.

"Ligtas ang mga bata at agad silang naisugod sa hospital. Gumawa lang kami ng fake na ulan kanina para mas mapadali ang pag-apula sa apoy." Sabi ni Kristine.

"Wala bang nakakita sa ginawa niyo?" Tanong ni Yancey.

"Meron, yung mga bata." Diretsong sagot ni Lhorraine. Napasinghap lahat ng nasa hall.

"Pano kung magsumbong sila?" Tanong ng isa sa mga instructors.

"Walang maniniwala. Mga bata lang yun. Kamusta na siya?" Sagot ni Lhorraine at nagsquat sa tabi ng walang malay na si Jana.

"Walang pinagbago, ganyan pa rin. Pano na lang kapag nagising siya? Siguradong magwawala siya." Kinakabahang sabi ni Rose. Napatingin sa kanya si Lhorraine at napabuntong hininga.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESWhere stories live. Discover now