Mission #54 Mirror

154K 4.9K 940
                                    

Para kay @AppleBarro ;)

LHORRAINE's POV

The moment I closed my eyes, a deafening silence immediately ate me.

Wala na kong naririnig.

Parang lumulutang na ko. The pain I felt was gone, and at the same time I can no longer feel my body.

Parang nakalutang ako sa isang lugar na madilim at mag-isa lang ako.

"Ang tahimik." I murmured.

Nakalimutan ko na kung saan ako galing, bakit nga ba ako nandito? Anong ginawa ko para mapunta dito?

Sino ba mga kasama ko kanina?

Napatingin ako sa paligid. Puro lang mga butuin ang nakikita ko. Para bang nasa outer space na ko at nagflofloat.

Ang tahimik, nakakaantok.

"Lhorraine."

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng may marinig akong familiar na boses.

Then images of him started to flash.

Sino na nga ba siya? Bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko. I stretched out my hand, I wanted to hold him, to hug him, to kiss him.

He suddenly smiled at me.

"Ash."

I opened my eyes at bumalik ako sa lugar kung saan dapat ako.

Oo nga pala, I have a mission and I need to finish. Suddenly, may patak ng ulan na pumatak sa pisngi ko.

"Daemon?? Si Daemon! Asan si Daemon?!" Agad akong napabangon. Nasa gitna pa rin ako ng ipo-ipo.

"Kailangan kong protektahan si Daemon, dahil siya ang mahal ko." I said to myself.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Ash?

Siguro infatuation lang.

Naramdaman ko ang unti-unting pagbalik ng lakas ko.

"I'm the Wind Princess, and I need you to vow before me..." sabi ko sa ipo-ipo.

Agad akong lumipad ng pataas at paikot-ikot. I need to remove first the fire.

Umikot ako pataas at sumunod naman yung apoy. Dumiretso ako sa dagat.

I closed my wings at nagdive papunta sa tubig. Sumunod ang apoy at naapula na ito. Agad akong umahon at bumalik sa may highway..

I created a wind barrier and pushed the tornado to the sea. Kahit bumaon na yung paa ko sa semento basta maitulak ko lang yung tornado.

Maraming mga debris ang tumatama at humihiwa sa balat ko. I spread again my wings and flapped it para mas lumakas ang tulak ko sa ipo-ipo.

Nagtagumpay akong itulak papunta sa tubig yung ipo-ipo hanggang unti-unti na itong mawala.

I was panting and almost lost all my energy.
Ng bigla ulit kumidlat and I was again striked by it.

Nasunog ang pakpak ko kaya nahulog ako pababa sa tubig.

Hindi na ko makagalaw cause of the pain. My wings and my body are aching.

Lumubog ako sa tubig and can't even breath. Naramdaman ko na lang ang mabilis na pag-ikot ng tubig at umikot-ikot ulit ako.

Para siyang malaking toilet bowl na nagflush.

*cough!* *cough!*

Hingal na hingal ako after kong bumagsak sa may batuhan.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESWhere stories live. Discover now