Mission #22 Acquaintance Party

211K 6.9K 2.8K
                                    

Dedicated to @badgirlonyou
.

.
>>Nerds' Mansion>>

"Wow ha! Party pero ganito parin ang suot natin? Hustisya please!" Irap ni Kristine habang nakahalukipkip na nakasandal sa pader.

"Casual lang naman kasi Kristine tsaka hindi pa natin pwedeng ilantad yung totoong itsura natin." Sabi naman ni Rose.

"At bakit naman kailangan kong sumama?" Naiiritang tanong ni Jana habang nakaupo siya sa couch.

"May na foresee akong mangyayari satin sa party." Sabi ni Lhorraine, sabay pang napatingin sa kanya yung tatlo.

"Is it good? I guess it's bad." Sabi ni Kristine.

"I heard, ang Royals ang nagvolunteer sa pagorganize ng party, they have huge grudges on us, hindi tayo mawawalan ng special part sa party." Sabi ni Lhorraine at inayos ang glasses nito.

"Eh alam mo naman palang may mangyayaring masama, bakit pa tayo pupunta?" Asik ni Jana at humiga ulit sa couch.

"Required nga lahat na pumunta Jana." Sabi naman ni Rose.

"We have to let them succeed with their plan, just trust me." Sabi nito at lumabas na ng mansyon.

"Alam niyo ang weird talaga niyang Misis ni Mr. Wikipedia eh." Tukoy ni Jana kay Lhorraine.

"Hindi na ko magtataka kung Encyclopedia ang magiging pangalan ng anak nila." Gatong pa ni Kristine at nakipagfist bump kay Jana. Napailing na lang si Rose, kahit kailan talaga basta't kalokohan magkasundo itong dalawa.

"Uyy Rose wala ka man lan bang entry?" Tanong ni Jana.

"Wag niyo kong idamay diyan." Tawa nito at hinila na yung dalawa palabas ng mansyon at papasok sa kotse.

"Lhorraine, may LBM ako!!" Napahawak si Jana sa tiyan niya at namilipit sa sakit. Napatingin naman sa kanya si Lhorraine sa front mirror habang nagmamaneho ito.

"Eeewwww!!!! Kadiri! Sipain kita palabas eh!!" Nandidiring sabi ni Kristine at lumayo konti kay Jana.

"You're terrible at lying Jana." Sabi ni Lhorraine.

Tumigil naman sa pag-arte si Jana at umirap sa kawalan. "Yeah right. Ibaba mo na lang kasi ako! Ayoko sa mga party'ng ganyan!" Pagdadabog nito.

"Jana, wag ng pasaway please? Required nga eh as in KA-I-LA-NGAN!" Sabi ni Rose dito.

"Maraming food dun." Bulong ni Kristine dito.

"Totoo?"

"Oo! And I heard puro meat!" Gatong pa nito.

"Lhorraine wala na bang mas ibibilis ito?! Malelate na tayo eh!!" Asik ni Jana. Nagkatinginan na lang si Lhorraine at Rose at sabay na napabuntong hininga.

"Grabe tagal ha?" She mumbled.

Pagkarating nila sa venue agad na bumaba si Jana at naghanap ng table.

"Pigilan niyo yan please nakakahiya." Bulong ni Kristine kina Lhorraine habang pinapanood nila si Jana na kumukuha na ng pagkain sa catering.

"Ikaw, nagencourage diyan kaw pumigil." Sagot ni Rose dito. Napanguso na lang si Kristine. Dumiretso sila sa table na nireserve ni Jana while watching her pigging out.

"Hi! We're glad you actually made it!" Napatingin silang apat kay Bea na bumati sa kanila. Bigla tuloy nakaramdam ng inggit si Kristine dahil sa ganda ng suot nito. Nakamini tube dress kasi ito at pumps.

"You see kami ang emcee mamaya. Sana maenjoy niyo itong party." Masayang sabi nito sa apat. "Sige alis na ko kailangan pa naming magprepare sa backstage." Sabi nito.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESWhere stories live. Discover now