Mission #28 Ring of Dreams

187K 6.7K 563
                                    

LHORRAINE's POV

It has been 5 days and 5 nights simula nung pumasok si Kristine sa loob ng Blue Hole. It's been straight 5 days and 5 nights pero hindi pa rin siya bumabalik.

"Is she dead?" Tanong ni Jana. Nakapagbuild na rin kami ng camp dito sa tagal naming naghihintay.

"Sana naman hindi pa. She promised us she will be back." Sabi ni Rose. Habang nagiihaw kami ng isda.

"I don't know, she's taking too long." sabi ko na lang. Napatingin ako kay Rose na naglalakad lakad muna sa dalampasigan.

Si Jana naman nilalaro yung apoy sa bonfire.

"Wala na bang ibang pagkain? Puro seafoods na lang kasi lagi." Nakangusong sabi ni Jana.

"Hindi naman tayo pwedeng umalis dito hangga't wala pa si Kristine."

Napabuntong hininga na lang ulit ito. Huni na lang ng kulisap at hampas na lang ng alon ang namumutawi sa lugar.

Wala pa ring bakas ni Kristine.

"May nakuha akong mga alimango." Biglang sulpot ni Rose out of nowhere.

Niluto na namin yun at kinain. Another night has passed.

KRISTINE's POV

"Ui Kristine, antagal mo naman!!" Sabi ng isang babaeng nakasalamin. Hindi ko siya mamukhaan dahil malabo.

"Kristine, gising na. Malelate na tayo sige ka iwan ka na namin nina Lhorraine." Sabi pa nung isa.

Biglang nagbago ang lokasyon ng nakikita ko. Hindi ko maalala kung anong lugar ito pero may tatlo akong kasama, nagtatawanan kami, nag-aasaran.

Pero bakit hindi ko sila matandaan?

Sino ba sila?

"SAPPHIRE!!" Agad akong napabangon sa tinis ng boses na gumising sakin.

"Ate naman eh!!" Nakangusong sabi ko.

Pinitik niya ang noo ko kaya napaaww ako. "Binabangungot ka na naman!! Baliw ka talaga!! Bumangon ka na ng makakain na tayo." Sabi nito at hinila ang buntot ko.

Ang Water Kingdom ay nasa ilalim ng tubig kaya nakamermaid at merman form kaming lahat.

"Ate, tungkol sa panaginip ko, medyo kakaiba eh parang totoo." Sabi ko habang lumalangoy kami.

"Hindi yun totoo Sapphire, mula pagkabata hindi ka na naalis sa poder namin." Sabi nito.

Totoo ang sinabi ni ate, hindi pa ko lumabas ng kastilyo masyado akong takot sa mga pwede kong makita at makaharap sa ibabaw.

"Hindi na naman ba naging maganda ang tulog ng aking prinsesa?" Ngumiti ako kay Ina habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"Nanaginip ka na naman ba?" Nag-aalalang tanong ni Ama at hinawakan yung kamay ko.

"Opo eh, hindi ko alam pero parang ang saya-saya ko dun dahil may mga kaibigan ako."

"Sapphire, hindi mo naman kailangan ng mga kaibigan eh, pamilya ang pinakaimportante sa lahat. Hindi natin kailangan ng mga sampid sa buhay natin."

Natigilan ako sa sinabi ni Ina, kahit kailanma'y hindi naging masama ang tabas ng dila niya. Lagi itong mahinhin at malambot.

Oh baka kung anu-ano lang ang iniisip ko.

"Kumain ka na." Sabi ni Ina. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila at kumain na.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa ate ko pagkatapos naming kumain. Tinawag kasi niya ang alaga niyang Dolphin ibig sabihin aalis siya.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon