19: Secret Agent

33 5 0
                                    

"Huwag kang maingay!"bulong na pasigaw ni ate Aerah kay Iris.

"Ikaw yung maingay dyan! Nananahimik ako dito!"sabi naman ni Iris.

Kung makikita nyo kami, para kaming mga tanga na nagtatago sa likod ng puno.

Ako, Iris, ate Aerah, Xiane, Keila, Vinny at ate Kaidayn and ate Kailey.

Sila Emery, ate Dahlia, ate Eris, Ate Erin, at Zachaira naman ay nasa kaharap naming puno.

Kung tatanongin mo kung anong ginagawa namin,

Nagiispy ispyan kami kay Raquel. May kasama syang lalaki at hindi naman kahawig ni kuya Jaque ang lalaki. Pero mag iispy padin kami.

Tinignan kami ni ate Kaidayn ng magsimulang maglakad papalayo sila Raquel at yung lalaki.

Tumango sya. Sinesenyasan kami na sumunod na.

Tinanguan nya din sila Emery sa kabila at nagtanguan na din sila.

Nagsimula na kaming sumunod sa kanila.

Pumunta sila sa restaurant nila Lexi.

Dahan dahan at hiwahiwalay kaming sumunod sa kanila.

Pagkapasok nila ay dumiretso sila sa tapat ng bintana kaya naghati hatu kami ng pwesto

Magkaharap sila Raquel at yung guy kaya napagpasyahan namin na kami nila ate Kaidayn, ate Kailey, Xiane, Keila, Iris, Ate Aerah, Vinny at ako sa likod ni Raquel habang yung iba naming kasama ay sa likod nung guy.

Bale, ganto ang puwesto namin

Emery Zachaira
     table
Ate Eris Ate Erin Ate Dahlia
____________---yung upuan nila
YUNG GUY
       table
RAQUEL
____________---yung upuan nila
Me, Ate Kai, Ate Kailey, Iris
            table
Vinny, Ate Aerah, Keila, Xiane

Kaya di namin makilala yung guy dahil nakamask, shades at cap yung guy.

Nagsimula silang umorder at nanatili kaming nakikinig sa kanila.

"Ma'am fiancee nyo po?"kinikilig na ani nung waitress kay Raquel.

"Yes"nagmamalaking sabi ni Raquel.

Nanatili akong nakikinig...

Kami pala...hehehehe

"Raquel?"tanong nung guy at sobrang pamilyar nung boses nya!

Muntik muntikan pa kong matawa dahil mahihimigan sa boses nung lalaki na ayaw nyang asawa si Raquel, na parang kinukuwestiyon ang naging sagot sa babae.

"What?"nagtataray na tanong ni Raquel dun sa guy.

"Miss can you please leave us for a minute?"tanong nung guy. Tumango naman ang waitress.

Siguro nagtataka kayo kung bakit nakita kong tumango ang waitress kahit nakatalikod ako sa kanya noh?

Well, medyo masakit na din yung leeg ko.

"Why did you say that? I will never propose to you, Raquel"

Aw..

Sakit..

"Why not?"tanong ni Raquel

"Cause I love my fiancee. Ikakasal na kami kaya itigil mo na tong deal na to"sabi nung guy and aha! Feeling ko ko talaga na si kuya Jaque to eh! Kaboses nya!

"I can't believe you! Jaque! Ako lang toh!"napatingin ako kay Ate Kai ng bigla syang tumayo at lumapit sa kanila.

Naging alerto din sila Ate Dahlia sa kabila at napatayo din sila.

Tuloy tuloy lang lumapit si Ate Kai saka hinila ang kamay ni Raquel.

"Heyy!!!-----"hindi na natuloy ni Raquel ang sigaw nya ng sampalin na sya ni Ate Kai.

Tumingin naman si Ate kay Kuya Jaque at lumapit din sa kanya

"D-dayn... I... I can expl---"

*PAK

Napatigil kaming lahat dahil lagutok talaga ang sampal ni Ate Kai kay kuya Jaque.

Napalingon ako kay Vinny at Keila na kasalukuyang nakangisi at pasimpleng nag fist bomb.

Napailing nalang ako.



Lalo lang kaming nagukat ng tanggalin pa ni Ate Kai ang singsing nya at pabato na iniabot yun sa dibdib ni Kuya Jaque.


































































"Don't come at July 18. Aasa ka lang kung aasahan mong may kasalang magaganap"
















Literal na napanganga kami sa sinabi ni Ate Kai.

Naglapitan kaming lahat na magkakasama ng bigla matumba ng kaunti si Ate Kai pero nakabawi din.

Tinignan nya muna ng masama si Raquel sabay walk out.



Pumalit naman si Ate Aerah sa harapan at sinampal si Kuya Jaque saka si Raquel.


"Di naman yung masyadong malakas yung sampal ko. Mamamaga lang naman ang pisngi nyo kaya mahina lang" sarcastic na sabi nya saka sumunod kay Ate Kai.

Nagpila pila kami at isa isang tinignan ng masama sila Raquel at Kuya Jaque.






Nang makaalis na kami ay dumiretso sa Ice Cream Store si Ate Kai kaya sumunod kami.

Umorder sya ng galon-galon na ice cream at tahimik na umiyak.


Lumapit naman ako doon sa isang waitress.



"Pakisabi sa manager na paalisin lahat ng customers. Babayaran nalang namin kayo"sabi ko at tumango naman sya.


Maya maya ay isa isang nagalisan ang mga tao sa loob at kami nalang magpipinsan ang natira.




Nakaupo lang kami sa pinagdikit dikit na upuan para kasya kami at nakamasid kay Ate Kai na nag a-ice cream parin habang tumutulo ang luha.

"Wala ka bang binili para samin, Ate? Ano? Limot limot na?"sabi ni Xiane samin.

Sinamaan naman sya ng tingin ni Ate Kai pero tumawa din sya at binigyan kami ng....







Maliliit na garapon ng Ice cream.




"Yan tayo eh! Nagkukurupot ka na namam eh!"sabi ni Ate Erin.

"Sa 20 gallon na binili mo nagiisang maliliit kang ibibigay mo?"di makapaniwalang sabi ni Ate Dahlia.

"Hoy sinampal ko yung kabit at ex-fiancee mo! Dapat isang gallon aken!"si Ate Aerah.







Natatawa nalang ako dahil sa kakulitan nila.





Author's NOTE

Hope you enjoyed reading!

Sorry sa typos and wrong grammars hehehehehe.

Vote and follow para masaya!

Byeeee!

Inlove With Mr. Gay (Relliannie Series #1)Where stories live. Discover now