8: Kapatid

79 25 0
                                    

"Huy anong nangyayari sa inyo?" nagtatakang tanong ko.

Nakita ko naman si Dom na lumapit habang hawak hawak ang tray nya at papalit palit din ang tingin sa dalawa.

"Nakabalik ka na pala?"sarkastikong sabi ni Panget.

Ngumisi naman si Drei, "Hindi ko alam na ganyan na pala talaga ikaw ka bulag para hindi mo ko makita sa tabi ni Cali"

"Hindi ko naman kasi alam na babalik ka pa matapos ng ginawa mo kay mommy"galit naman na sabi ni Panget.

Anong nangyayari dito?!

"Dafuq is going on here?!"tanong ko

Pero walang sumagot sakin.

"Good talk, Cali. May sumagot sayo"sarkastikong sabi ko sa sarili ko

"Ganyan ka na ba talaga kabakla para magdamit ng ganyan sa school?"sabi ni Drei.

Tangina umayos sila kundi hahambalusin ko sila ng upuan.

"Hindi ko naman kasi alam na ganyan ka pala kainteresado sa buhay ng taong ipinahamak mo noon"nakangising sabi ni Panget.

"Wala kang alam!"biglaang sigaw ni Drei kaya napatingin sa kanila yung ibang mga tao sa canteen.

"Oy!! Wag kayong mag iskandalo dito ha?! Kung gusto nyo sa ibang table kayo kasi hindi ako makakakain ng maayos!"sigaw ko sa kanila kaya napatingin naman sila sakin ng may masamang tingin.

Aba! Ako pa talaga pinagsamaan nila ng tingin?!

"Wag kayong tumingin ng ganyan kung ayaw nyong mawalan ng mata!"banta ko sa kanila kaya natauhan sila at agad akong umupo.

Nakakaimbyerna ha?!

~♤~

"Magkaano ano ba kayo non ha?!" Tanong ko kay Panget.

"Basta"sabi nya at maglalakad na ulit pero pinigilan ko sya.

"Wag mo kong tatalikuran tangina ka"sabi ko sa kanya

"Fine. Magkapatid kami. Okay na?"parang sya pa ang galit ah!

"Eh bakit ganon ang eksena?! Nakakabulahaw kayo ng mga kumakain don!"sigaw ko sa kanya

"Arrgghhh! Mamaya nalang tayo magkwentuhan at malelate na tayo!"sigaw nya at hinawakan ang kamay ko.


Hinila nya ko kaya nagpahila nalang ako.

Ano ba kasing prob nya kay Drei!?

Hayss.

Magiging detective ako ngayon ah?

~♤~

Natapos ang buong araw at hindi ako pinapansin ni Drei at Panget.

Si Rain naman at Riezel, ewan ko baka namatay na sa kalandian yung dalawang yun.

Si Rien naman ay namimiss ko na.

Ewan pero gusto ko syang maging kaibigan talaga.

Bale nakadalawang araw na syang wala at bukas na sya babalik.

Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatulala sa kisame.

"Irish! Kakain na daw!"narinig ko ang sigaw ni ate Aerah kaya dali dali akong bumaba.

Pagdating ko dun ay may nakita na naman akong babaeng kasama sa hapag kainan. Meron ding dalawang matanda.

Nakita ko din na nakaformal attire silang lahat kaya napatingin ako sa suot ko.

Shocks! Naka pajama lang ako!


Teka sino bayun?


Biglang lumingon yung babae kaya nanlaki ang mata kong tinignan sya.

"Rien!"

Author's NOTE:

Ano kayang ginagawa nila Rien sa bahay nila Irish?

Abangan....

CHAROT.

Vote and Follow guys para masaya. Thankss

P.S. Sorry kung maiksi lang ang chapter na ito. Gusto ko lang hehehehe. Gabi na din kasi kaya ang sakit na ng mga darili ko.

Salamat!♡♡♡

Inlove With Mr. Gay (Relliannie Series #1)Where stories live. Discover now