2:Jealousy

136 30 4
                                    

Nakaupo na kami ni Panget sa likod ng table nila Rain at pinagmamasdan ang mga galaw nila.

Para akong pinapatay sa sobrang selos dito ehh!

"Alam mo sis? Dapat lumapit ka na sa Dyowables mo. Kung nakatingin ka parang gusto mi ng ma tegi si ate girl"sabi nung panget na bakla.

"Pakealam mo ba?"

"Wow ha? Ikaw nga humigit sakin ditey eh. Ikaw pa mag susungit? Prinsesa lang ang peg? Hayss stress ang beauty ko sayo. Maka gora na nga"sabi nya at nag kunyaring flying hair pa.

"Bye Pandak!"sigaw nya at tinignan ko sya ng masama.

Binalik ko ang tingin kila Rain at nakita kong sinusubuan ni Riezel si Rain. Napakuyom nalang ang mga kamao ko.

Hingang malalim, Cal.

Isa pa.

Huminga ka lang hanggang sa mawala na yang kinikimkim mong selos.

*inhale*

*exhale*

Arghhhhhhh!

Napasabunot nalang ako dahil nakita kong pinunasan ni Riezel ang bibig ni Rain.

Hingang malalim ulit, Cal.

Pero kahit anong hinga ko naiinis parin ako!

Aaaahhhhh!

Ayan ganyang ganyan ang gusto kong isigaw mula rito sa kinauupuan ko.

Iinom sana ako pero nakita kong ubos na ang tubig ko.

Tumayo ako at sinadya kong banggain ang table nila Rain. Napalingon ako at nakita kong tumayo si Riezel kasi nalagyan ng coke ang damit nya.

"Hala sorry!"sabi ko at pinupunasan ang damit nya.

Tinabig nya ang kamay ko at tunanggal ang salamin nya at hinawi ang bangs nya kaya naman napasinghap ang mga tao sa canteen.

"Bakit ba kasi hindi ka tumingin sa dinadaanan mo?!"galit na sabi nya saka kinuha ang tissue na nasa table nya at pinunasan ang damit nya.

Wow! Just wow!

Kani kanina lang nag papa autograph sya tapos ngayon sisigaw sigawan nya ko! Oo kasalanan ko pero alam ko bang matatapon ang coke nya sa damit nya?!.

"Ano di ka mag sasalita?!"sigaw nya pa at dun lang ako natauhan.

"Sorry hindi ko sinasadya"sabi ko at tumungo.

Napa roll eyes sya at nagulat talaga ako ng gawin nya yun.

Plastic ba sya?!

Judgemental na kung judgemental pero kasi yun yung nararamdaman ko eh!

"Tara na nga Rain! Kain nalang tayo sa iba!"tawag nya oa sa boyfriend ko na ngayon ay nasa tabi ko.

"Ano pang ginagawa mo dyan!? Tara na!"aba ang kapal talaga ng apog nito ah! Ako yung girlfriend tapos sya yung may ganang pasunurin si Rain!?

"Rain!!"sigaw nya pa at nakita ko naman na tumango nalang si Rain at sumunod sa kanya.

Lalo lang sumiklab ang selos sa loob ko.

Palabas na sana sila sa canteen ng  sumigaw ako.

"EDI MAGSAMA KAYO!! PAKE KO BA SA INYO!!"at lumabas na sa isa pang pinto.

Badtrip tuloy!

Pumunta balang ako sa next subject ng makita ako nung baklang panget.

"Pandak!"sigaw nya pero patuloy parin akong naglalakad.

"Nu gawa mo ditey? Nasan si jowables?"tanong nya pa.

Pagharap ko ay biglang tumulo ang luha ko.

"Hala! Why ka mag cry?!"bigla nyang tanong kaya lalo akong napaiyak.

Nabigla ako ng bigla nya kong hilahin para sa isang yakap.

Pinaghahampas ko tuloy sya. Eh kasi namin ihh. Nakakakilig.

What the?! Ano ba yan, Cal?! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo! Bakla yan!

"Ano ba, Panget! Bitawan mo nga ko! Bitawan mo nga ko!"sigaw ko kahit nag poprostesta ang nga malalanding cells ko.

"Wag ka na maingay gurl! Ginagawa ko na nga itey para maka help sa problemas mo!"sabi nya. Napaiyak naman lalo ako.

I need this kind of friend

Inlove With Mr. Gay (Relliannie Series #1)Where stories live. Discover now