1: First day,

228 32 2
                                    

~♡~
IRISH CALIREY RELLIANIE

"IRISH! GISING NA! PERS DAY NA PERS DAY LATE KA!"bigla ako napabalikwas ng bangon dahil sa sigaw ni ate Aerah. Ikaw kaya sigawan ng dragon?!

"ETO NA!"sigaw ko pabalik.

"Takte, kaboses nya talaga yung tigre. "Bulong ko

"May sinasabi ka, Rish"nagulat ako ng biglang sumulpot si ate Aerah sa likod ko.

"A-ahhh a-ate wala po he-he-he"sabi ko at dali daling tumakbo papunta sa c.r

Btw, I am Irish Calirey Rellianie. 19 years old. Maganda, matalino, sexy, mabait---oppssss tulad nga nung sabi ko sa prologue echos lang ang aking bait.

Natapos ako mag bihis at pumunta na sa dining namin at nakita kong kumpleto na kami. Andami kaya naming mag kakapatid.

Aerah Sheya-panganay
Aerin Rey-kambal ni ate Aerah
Eris Crynn-pangatlo
Erin Relliah-kambal ni ate Eris
Iris Cailey-kambal ko.
Ako, Irish Calirey-panlima
At si baby Eren at ang kambal nyang si baby Eros.

Diba happy family, puro kambal kami. Tsk tsk sipag nila mommy.

May nakalimutan pa pala ako sila

Mommy Lizzy Rhea
Daddy Eroz

Basta happy kami.

Umupo nalang ako at kumain.

"Nasaan si Iris?"tanong ko ng mapagtantong hindi pala kami kumpleto. Wala sa mesa ang magaling kong kakambal. Nagmemake up pa yun for sure.

"Irish, puntahan mo nga ang kambal mo dun. Malelate na kayo"sabi ni daddy.

Tumango nalang ako.

Pag punta ko sa kwarto niya ay may nakita akong parang package?

Ng lapitan ko ang package ay may nakita akong parang make up na------OMO!!!

"IRIS!"tawag ko sa kanya. Dali dali naman syang lumabas galing sa banyo.

"Bakit?"tanong nya habang hawak hawak ang isang----

"Omo! Yan ba yung bagong labas na makeup ng BarcelonaUps??!! Kyaaaaaaa~"sigaw ko kaya dali dali syang lumapit sakin at tinakpan ang bibig ko.

"Wag ka maingay! Meron ka din! Tayong dalawa lang ang meron kaya wag ka!"sabi nya pa kaya nanlaki ulit ang mata ko at niyakap sya.

"Thank youuuu~!"sigaw ko ulit at hintak na sya papuntang dining.

Pagtapos namin kumain ay sumakay na kami sa kotse ni kuya Aerin. Tsk tsk. Ayan ang ginagamit nya pang hatid samin at syempre, para sa babae. Ewan ko lang kung nag karoon na yan ng serious relationship. Womanizer ata yung tawag sa kanya?

"Nandito na tayo"sabi ni Kuya at bumaba na. Well kilalang kilala kaming magkakapatid dito sa RIS(Rellianie International School) dahil tito namin ang may ari nito at lahat kaya kaming magkakapatid pumapasok dito.

Syempre pagdating namin sa main gate ay nagtilian ang mga babae. Sa gwapo ba naman ng kuya ko eh. Atsaka nasa lahi namin ang pagiging pogi't maganda no? Dzuhh!

Inlove With Mr. Gay (Relliannie Series #1)Where stories live. Discover now