17: Mistress

27 4 0
                                    

Nakarating kami sa bahay at nakaupo lang sa terrace ng biglang hawakan nung Panget yung kamay ko.

"Bakit?"tanong ko

"Sabi mo hahalikan mo ko ng matamis. Hanggang sa malimutan ko na yung pangalan ni Shan"nakangusong sabi nya. Tumawa ako pero maya maya ay narealize ko ang sinabi nya.

Tinaasan ko sya ng kilay, "Bakit? Patay na patay ka ba sa kanya?"

Nangunot ang noo nya, "What?!No!"depensa nya.

Tumawa ako.

"Tara na nga pumasok na tayo" sabi ko at hahatakin na sana sya pero hindi sya nagpahatak.

Itinaas ko ang isang kilay ko, "Bakit?"

"Nahihiya ako"sabi nya. Natawa ako.

Ngayon pa sya nahiya!

"Sus. Tara na! Hiya hiya ka pang nalalaman dyan"sabi ko at this time nagpahatak na sya.

Pagkapasok namin ay naagaw namin ang atensyon ng mga relatives namin.

Lumapit si Lola samin at paulit ulit na nagpapalit palit ang tingin samin ni Panget.

"Boyfriend mo ba ito, Irish?"tanong nya. Nabilaukan naman ako sa sarili kong laway.

"Ahh. Hindi po. Manliligaw lang. Hehehe"ewan ko pero nahiya ako agad.

Ilang minuto pa ang nakalipas at tahimik padin sila.

Maya maya ay...

"MAY BAGONG IKAKASAL!!"

O_O?!

Napalunok ako at tumingin kay Panget.

Lumunok din sya.

"Ahh. Uuwi na ko, Rish."sabi nya at tumalikod. Di ko na sya nahabol dahil hinila ako ng kung sino.

Nakarating kami sa balcony ng guestroom.

"Ate Kai? Bakit?"nagtatakang tanong ko.

Namumugto ang mga mata nya.

"Irish. Tulungan mo kong mahanap ang kabit ni Jaque" nanlaki ang mga mata ko.

May....

Kabit si Kuya Jaque?

Napakurap ako ng ilang beses.

"Paano mo nasabi yan, Ate Kai?"

"Nakita ko kanina yung cellphone nya. Sabi nung babae, 'uuwi na ko. Pakisabi kay tito Erick happy birthday. Iloveyou'"

Tuluyang humagugol si Ate dahil doon.

"Nakita mo ba yung nireply ni kuya?"tanong ko. Maski ako ay kinakabahan para kay Ate Kai.

"O-oo sabi nya 'mamaya na. May party sa bahay. Pumunta ka. Ipapakilala nalang kita as close friend ko'" nagulat ako.

Ang lakas ng loob!

Ang kapal ng mukha! Mas makapal pa sa sapatos ni McDonalds!

Niyakap ko si Ate Kai at inalo ito.

"Alam na ba to ni ate Kailey?" tanong ko. Syempre kelangan malaman to ng kambal nya.

Umiling sya.

"Tatawagin ko lang silang lahat" pagtukoy ko sa mga pinsan namin at kila ate.

~♤~

Bumalik ako sa balcony kasama sila Ate Kailey, Keila, Vinny, mga kapatid ko except kay kuya ofcourse, Ate Dahlia, Xiane, Emery, at si Zachaira.

Wala nga lang si ate Caren, Lezi, at Tyriana dahil lahat sila ay nasa ibang bansa at hindi makaalis

Kami ang magkakatropa sa lahat ng magpipinsan dahil halos sabay sabay na kaming lumaki

"What is your problem, Kai?"tanong ni ate Kailey

Kinuwento ko sa kanila at halos lahat sila ay may solusyon.

"You can break up with him" suggestion ni Xiane. Tinignan ko sya ng masama at binigyan nya ko ng 'what' look.

"Of course, she can't do that. Maybe force him to speak, Ate Kai"si Zachaira naman ang nag suggest.

"You can beat him up. Will be your back up"sabi ni ate Aerah kaya lahat sila ay nagsangayunan.

"I can call an investigator" tumatango tangong sabi ni Ate Eris.

"Or maybe you can just call the number that you saw on Kuya Jaque's phone and send him death threaths"sabi naman ni Iris kaya lahat kami ay sinamaan sya ng tingin.

Wala bang maganda gandang suggestion.

"You can prank him, Ate Kai" nakangiting suggestion ni Keila. Napataas ang kilay ni Ate Erin.

"Like what prank, Keila?"nakataas kilay paring tanong ni Ate Erin.

"Like break up prank, or you can prank him that you know something kahit wala. In that way, aamin sya"tatango tangong sabi ni Keila kaya nakatanggap sya ng batok kay Vinny.

"Useless suggestion"bulong ni Vinny

"Tsh. As if you have better suggestion!"sigaw ni Keila kay Vinny.

"Yeah I do! Better than yours!"sigaw pabalik ni Vinny.

Napaface palm nalang si Iris.

"You shouldn't have let them in" bulong sakin ni Ate Aerah.

"Yeah. Nagsisisi ako"sabi ko.

"Hey! Stop that!"sigaw ni ate Dahlia.

Nagpalitan pa ng masamang tingin ang dalawa.


"Or maybe you can just investigate people you don't know here. Diba, Kuya Jaque texted her na he will dala that kabit here sa house nila Iris?"

Why so Conyo, Emery?

"Right! We can investigate that Rakwel? Basta! That girl who's been sitting beside kuya Jaque kanina!"sabat ni Xiane.

Napatango ako.

Pero...

"Wait, Raquel?"nagtatakang tanong ko.

"You know him, ate Rish?"nag tatakang tanong sakin ni Zachaira.

"Ah-huh"sagot ko, "He's Drake's 'bestfriend'" sabi ko habang ini-sign language ang 'quotation mark'

"Ooohhh. Something bout that girl makes me wanna punch her" Ate Erin said.

"Yeah. Gusto kung dagukan"sabat ni Ate Eris.

"Its like she has some hidden agenda"sabi naman ni Ate Dahlia.

Nagtanguan naman kami.

Si Ate Kaidayn naman ay tumigil na sa pagiyak at nakasilip sa babang balcony.

Nagkatinginan kaming lahat at sumilip din sa baba at nakita namin si Kuya Jaque and Raquel na nakaupo sa bench.

"Looks like someone is going to die tonight"sabi ni ate Aerah at lahat kami ay ngumisi.

Susugod na sana kami ng pigilan kami ni ate Kai.

"Bakit?"tanong ko.

"Wag nyo munang galawin. Wala pa tayong sapat na ebidensya at baka hindi sya yung kabit. May isa pang ipinakilala si Jaque kanina eh. Highness ata yun?"sabi ni ate Kai.

Aha!

Siguro alam ko na kung sino ang kabit.

Author's NOTE

Sorry dahil naka focus kay Kaidayn ang chapter at susunod pang chapters pero don't worry dahil connected parin ito kay Irish at Drake. May moments parin sila. HAHAHAHAHA.

Vote and follow para masaya HAHAHAHA

BYEEEE!

Inlove With Mr. Gay (Relliannie Series #1)Where stories live. Discover now