6: Domdom

87 28 1
                                    

Nakaubob ako ng may bigla akong maalala.

Shit si Drei nga pala!

Agad agad akong lumabas pero hindi pa man ako nakakababa ng tuluyan ng hilahin ng kung sino ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?"biglang tanong nya kaya napalingon ako sa kanya na ngayon ay may galit sa mata.

"Ano bang problema mo, pangit? Tsk. Dun ka na nga sa crush mo!" sigaw ko sa kanya at itinulak sya.

Dumiretso ako sa open space at nakita ko ang isang lalaking nakatayo doon.

Nilapitan ko sya at nagsalita, "Uhm.. Hi! Ikaw ba si Drei?" nahihiyang tanong ko.

Kasi baka magkamali ako diba? Nakakahiya.

"Uhm oo.. hinihintay ko kasi si Cali eh. Kilala mo ba sya?"

"Ahh ako yun! Hehehehe sorry ngayon lang ako dumating. May nangyari kasi kanina eh" ano ba selp ang daldal mo!

"Ahh haha wala yun. Okay lang. So tara na? Para hindi na tayo mahuli sa klase natin"sabi nya kaya napatango nalang ako at nanguna na sa nilalakaran.

Pagkapasok ko palang ay nakita ko na ang nga matang nakatingin samin ni Drei.

Kanino pa bang mata? Edi yung mata nila Rain at Riezel! Sama mo na yung kay Baklang Pangit! Sarap dukutin tapos itapon sa Pasig River!

Inirapan ko nalang sipa at giniya na si Drei papaupo sa katabing upuan ko.

"Uhm.. sure ka bang walang nakaupo dito?"tanong ni Drei.

"Oo naman! Hahaha mamaya na nga ang daldalan at maya maya lang ay dadating na ang prof natin"sagot ko sa kanya at tumango nalang sya.

Maya maya ay biglang may umupo sa tabi ko kaya napatingin ako dun at nakita ko yung lalaking sumingit sakin kanina.

Nginitian nya ko at tumingin sa harap.

Shocks! Bakit ganito ang nararamdaman mo, Cal?

Feeling ko napakagwapo nya sa ngiti nya.

Kanina lang sinusungit sungitan mo sya tapos ngayon naman nagugustuhan mo sya.

What?! Did I just said na nagugustuhan ko sya? I cannot!

May boyfriend kang mahal ka, Cal. Wag mo sayangin ang 2 taong kayo sa isang chinito.

Pero...

Wala nang pero pero! Wag malandi!

"Miss matutunaw ako nyan wag kang tumitig ng ganyan"biglang nagsalita yung lalaki kanina at natutop ko ang bibig ko.

Maya maya ay tumaas ang kilay ko.

"At sinong gaga ang nagsabing tinititigan kita?"taas kilay na tanong ko.

"Bakit hindi ba?"tanong nya pabalik at saka inilapit ang mukha nya.

"A-ano ba! Feeling close ka ha! Lumayo ka nga at n-naaasiwa ako sa mukha mo!"pilit na sigaw ko sa kanya.

"Hahahahaha.. masasanay ka rin sa mukhang to miss. Hahahaha.. Dominique Hercules Valdez nga pala" biglang pakilala nya.

"Paki ko sayo?"

"Kanina mo pa ko sinusungitan miss."

"So?"

"Pffft. Nagmamagandang loob lang"

"Pwes walang maganda sa loob mo. Wag ka na nga dumaldal. Nakakaimbyerna ka ha?"sabi ko nalang at humarap na sa harap kahit wala pang teacher.

Napadako naman ang tingin ko kila Rain at Riezel na naghaharutan.

Letse kayo na magsama! Kainez kayo ha!?!?!

Buset.






Inlove With Mr. Gay (Relliannie Series #1)Where stories live. Discover now