EPILOGUE

257K 4.1K 1.1K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---


After 3 weeks...


"Nandito tayo ngayon sa isang parte ng Batangas ng eksaktong 8:02 ng gabi. Ilang oras ding nilibot ng mga pulis ang di umanong bahay bakasyunan na punong puno ng mga bangkay. Madami na ring nakakaamoy ng masangsang na amoy na nanggagaling sa malaking bahay bakasyunan at ang ilan sa kanila ay lumapit na sa pulisya upang matignan kung san nga ba nanggagaling ang amoy."

Inayos niya ang pagkakaupo niya habang nagtataka at tila ba kinakabahan sa balita. May nararamdaman siyang kakaiba patungkol sa balitang ito.Malakas ang kutob. Hindi siya pwedeng magkamali sa nadarama niyang kaba.

"Ilang linggo na rin ang nakakaraan nang nakatanggap ng mga kaso ang pulisya tungkol sa pagkawala ng mga nasabing estudyante ng Laketon Academy."

Huminto ng sandali ang reporter at tinignan ang hawak niyang papel kasabay ng mas pagtalim ng tingin niya sa telebisyon nang narinig niyang binanggit ang 'Laketon Academy'.

"Sa paghahanap ng mga pulis ay nakakita sila ng dalawangpu't apat na mga bangkay sa loob ng bahay bakasyunan. Ang ibang bangkay ay nakahiwalay at ang karamihan sa mga bangkay ay nasa iisang kwarto lamang. Hindi pa alam ang mga pangalan ng mga bangkay dahil karamihan sa kanila ay pinugutan ng mga ulo. Ngunit may mga ilang bangkay rin na namataan na buo pa rin ang katawan. Nakilala ang mga bangkay dahil sa binigay na mga litrato ng kanilang mga magulang at sa kasamaang palad ang mga nasabing estudyante ay kasama sa masasabi nating unang 'massacre' ngayong 2012." Huminto muli siya at muling tinignan ang hawak na papel. "Ang mga nakilalang bangkay ay sina Denise Villaverde, Andy Fajardo at napag-alaman na isa sa mga kaklase nila na si Amanda Fortalejo."

Nagpokus ang camera sa mga magulang na humahagulgol habang yakap yakap ang kanilang mga anak at ang iba naman ay hinahanap ng tamang bangkay ng kanilang mga anak.

"Hanggang ngayon ay puno pa rin ng iyak ang maririnig mo sa mga magulang na hindi akalain na sa isang gabi ay mawawala ang kanilang mga anak."

In-off niya ang telebisyon na nasa harapan lamang niya at ilang metro lang ang pagitan sa kanya. Binulong niya ang pangalan ng taong lubos niyang kinamumuhian na ngayo'y wala nang buhay.

"Denise Villaverde." Ngumisi siya kasabay nang pagtayo niya.

Tinignan niya ang liwanag ng buwan at ang mahinhin na pagpatak ng ambon sa kanyang bintana. Binuksan niya ito at dinama ang mahina ngunit malamig na ambon sa labas. Hindi niya napigilan ang pagngisi.

Narinig niya ang pagtawag ng pangalan niya ng kanyang ama na nasa unang palapag ng kanilang bahay. Umirap siya dahil sa inis bago niya isarado ang bintana at lumabas sa kwarto niya. Tinignan niya ang ama niya na halos nanggagalaiti at kulang na lang ay isupalpal sa kanya ang hawak nitong report card.

"Ano to?! Bakit ganito ang grades mo?! Sumagot ka!" Sigaw nito sa kanya. Ngunit ngumisi lang siya sa harap ng ama niya at nagsalita.

"May pakialam pala kayo?"

Muntik na siyang masampal ng kanya amangunit napigilan nito ang kamay niya sa pagdampi sa mukha ng nag-iisa niyang anak. Tumingin lang muli siya sa ama niya katulad ng pagtingin niya sa lahat, malamig, walang buhay ... walang emosyon.

"Anong balak mo ha? Uulit ka ng third year! Pinapahiya mo na naman ako!" Sigaw nito muli sa kanya ngunit tumayo lamang siya doon na parang walang pakialam habang iniisip ang sasabihin. "Hindi mo ba alam na isang kahihiyan ito ha! Pagtatawanan nila ako kapag nalaman nila na ang isang Levesque ay uulit ng taon sa pag-aaral?! Nakakahiya ka!"

Napayuko siya ngunit walang tumulong luha. Masakit ngunit hindi bakas sa kanyang mukha ang sakit na nadarama niya. Sanay na siya. Muli niyang hinarap ang kanyang ama.

"Hindi ko kailangang maging mabuting anak para hindi kayo mapahiya sa mga tao. Unang-una, hindi mo ako anak. Pangalawa, walang kayong pakialam sa akin. Pangatlo, masyadong malaki ang mundo para ituon nyo ang pansin nyo sa kamalian ko. Wala kayong alam. Walang-wala." Natahimik ang kanyang ama sa sinabi niya.

Tatalikod na sana siya upang bumalik sa kwarto niya nang muli siyang lumingon sa kanyang ama at nagsalita, "Sa Laketon Academy ako mag-aaral sa susunod na school year. Asikasuhin nyo na. Baka mainip ako." Tuloy-tuloy na siyang umakyat sa pangalawang palapag.

Umupo siya agad sa kama at tinignan ang sarili sa malaking salamin na halos katapat lamang niya. Mag-isa man ay nagwika siya para sa sarili niya.

"Laketon Academy. Maghintay ka lang. Aalamin ko ang lahat." Ang nasabi niya dahil sa nabalitaan niyang nanyari sa demonyita ng buhay niya, kay Denise Villaverde.

Humarap siya sa drawer na katabi lamang ng kama niya. Kinuha niya ang nag-iisang litrato na naroroon. Hindi niya napigilan ang pagsimangot nang muli niyang nakita iyon. Sa tuwing gusto niyang mas magalit sa mga taong gumawa sa kanya ng sandamakmak na kasalanan ay ito lamang ang dapat niyang makita.

Ang huling litrato niya na nakangiti kasama ng pinakakinamumuhian niyang nilalang, si Denise. Nilukot-lukot niya ito at tinapon sa lapag.

Muli, walang ni isang luha ang pumatak.Gaano kasakit, gaano man kahirap. Pinangako niya na kahit isang patak na luha ay hindi papatak. Napagod na siya.

Tumayo siya at muling pumunta sa tapat ng bintana.

Katulad ng kanina, muli niyang pinanood ang liwanag ng buwan na ngayon ay nagiging kulay pula na. Ang paborito niyang kulay, ang pula, dugo, rosas ...misteryo.

Pati ang kaninang mahinang ambon na ngayo'y lumalakas na ang pagpatak. Hinipan niya ang salamin ng bintana at bumuo ito ng kahalumigmigan. Dahan dahan niyang sinulat ang kanyang pangalan at binulong niya ito nang matapos siyang magsulat.

"Luna."


-----------x

Hanggang sa muli


(Link ng book 2 sa susunod na chapter, ang author's note. Naroon din ang trailer ng book 2.)

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon